CHAPTER TWELVE
KUNOT na kunot ang noo ni Czarina habang tinatapos ang isang essay niya. Kanina pa siya bura ng bura at mukhang basura na ang ipapasa niya mamaya kung hindi pa siya titigil kakabura. Ugh. She could have written a draft to organize her thoughts! Pero tinamad siya kaya diniretso niya na lang.
"Czarina, ano ba iyan?" tanong sa kanya ni Lovely.
"Essay natin sa English 21," aniya at saka tinuldukan na ang pang-huling paragraph. Napangiwi siya nang makita kung gaano kadumi ang papel. Napabuntong-hininga siya at kumuha na lang ng panibagong papel. Matiyagang inulit niya ang mga sinulat.
Pagkatapos niya roon ay nag-ayos na siya ng mga gamit para sa paghahanda sa next subject nila, which is English 21. Napalingon siya sa mga blockmates niyang babae nang marinig na naghahagikgikan ang mga ito.
"Sobrang sarap. I mean," impit na napatili ang blockmate niyang si Rayah. "It was painful at first but then..." parang kinikiliting tumili ito.
Naghagikgikan na naman ang mga ito.
"Was that your first time?" Claudette asked. Mahinang-mahina ang pag-uusap ng mga ito.
"Where did you do it?" tanong pa ni Kim—another blockmate.
"Sa apartment niya..."
Nanliit ang mga mata ni Czarina, Lumapit siya sa mga ito. "Anong pinag-uusapan niyo?" she suspiciously asked.
Hinila siya ni Loely paupo. "Sumali ka dito, Maria Clara," mariing bigkas nito sa pangalan niya. "Jeez! Your name wanted us to think that your innocent about this kind of stuff."
"Ang alin ba 'yon?" Tumingin siya kay Rayah. "Tungkol saan ang kinukuwento mo?" tanong niya pa kahit may hint naman na siya kung tungkol saan iyon.
Ngumiti si Rayah. Tila proud pa. "I just had sex."
"What?!" bulalas niya.
"Sshhh!" saway sa kanya ng mga ito.
Napakurap-kurap siya. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Well, she's used in reading romance books so "sex" is not new to her. But...but, ang babata pa nila para gawin talaga iyon!
"I did it with my boyfriend naman, eh," Rayah said.
"Eighteen ka pa lang!"
"The more that it's legal to do it," natawa pa ito.
"Pero hindi pa dapat natin iyon ginagawa, hindi ba?" aniya. "Hindi lang dahil bata pa tayo. But because you're not even married yet! Masama iyon..." Kahit naman tamad siyang mag-aral at mukhang loka-loka, alam naman ni Maria Clara ang tama sa mali at ang mga puwede sa hindi.
Inirapan siya ni Rayah at bigla itong tumayo. "Huwag ka ngang magpaka-righteous diyan. It's normal nowadays." Kinuha nito ang bag at nang-uuyam na nginitian siya. "Maybe you should try sex. Tignan lang natin kung masabi mo pang masama iyon."
Napasimangot siya. "Hindi porket normal at ginagawa na ng karamihan ay tama na! No matter how you sugarcoat premarital sex, it's still wrong!"
"Czarina," natatawang saway ni Claudette sa kanya. "Kumalma ka nga. It's Rayah's life anyway."
Lovely pulled her away. "Pumasok na nga tayo sa next class natin, girls. Mamaya ka na lang magkuwento, Rayah, kapag nakauwi na 'tong Maria Clara natin."
BINABASA MO ANG
Touch Me More (More Trilogy #1)
RomanceMore Trilogy Book 1: Touch Me More (2016) Maria Clara Alba Flores. Almost 16 years of existence and Czarina can't learn to appreciate her name. Then, Bari came who always calls her by her real name. Crisostomo Ibarra "Bari" delos Santos is a twenty...