CHAPTER TWENTY-SIX
NATULALA na lang si Czarina hanggang sa tumayo na si Bari at ang babaeng kasama nito.
Sa kabilang dulo dumaan ang mga ito. Siguro magpapasalamat na lang rin siya na hindi siya nakita ng mga ito.
Dahil hindi niya talaga alam kung paanong haharapin si Bari.
Napayuko siya at nangilid ang luha sa mga mata.
Ganito rin ba ang naramdaman ni Bari noong napansin nitong hinubad niya ang singsing nila? Kaya ba ito galit na galit dahil sa sobrang sakit?
Nakagat niya ang labi at napalunok. Sinubsob niya ang mukha sa menu para hindi siya makita ng ibang tao na naiiyak.
Pinipiga pa rin ang puso niya. So this is karma, huh?
Can she get mad? Siguro hindi. Wala siyang karapatan dahil ginawa niya na rin iyon. Mayroon ba siyang karapatang magtanong kay Bari kung bakit hindi nito suot ang singsing?
Pero... huwag na lang. Kunwari na lang wala siyang nakita. Kasi kilala niya si Bari, eh. Hindi ito gagawa ng bagay na ikasasakit niya.
Mas nahirapan si Czarina na lumunok. Napahikbi siya. Babalik na lang siya ng Manila.
Hihintayin niya na lang si Bari doon. Kunwari wala siyang nakita. Na parang hindi naman talaga siya sumunod sa Davao. Kasi diba, hindi naman dapat siya nandoon? Kasi sabi ni Bari, maghintay lang siya sa Manila...
Pero siya ang matigas ang ulo.
Huwag kang demanding, Czarina. Huwag mong aawayin si Bari. Dapat mature ka na, right? Kapag inaway mo si Bari tapos mali ka na naman ng akala, ikaw na naman ang immature, childish, nagger... Hindi na kayo bagay ni Bari kapag ginawa mo iyon. Dapat good wife ka.
Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya. Tinignan na lang niya ang kapirasong papel kung saan naka-indicate ang susunod na meeting ni Bari.
Napatingin siya sa wristwatch at sa schedule ng asawa.
It was his free time.
Napapitlag siya nang biglang tumunog ang cellphone niya.
Bari's calling!
Natataranta siya bigla. Nagpalinga-linga. Nasaan na ba si Bari? Baka kapag sinagot niya ay mahalata nitong nasa malapit lang siya.
Sa pagkataranta ay na-drop niya ang call. Napangiwi siya at nagmamadaling naglakad papunta sa elevator ng hotel. She better stay inside her hotel room. Kailangan niya na rin magpa-book ng flight pabalik ng Manila or... she could just go to Bukidnon. It's just five hours away.
When she got off the elevator, her phone rang.
"H-Hello?"
"Czarina..." bungad ni Bari. "Are you busy?"
"Ha? Hindi naman... Sorry namali ako ng pindot kanina. Na-drop ko ang call." Mabilis niyang nahanap ang kuwartong nilaan sa kanya at pumasok doon.
"Nasa condo ka ba? Or you went home for a while?" he asked.
"Sa condo lang..." Napaupo siya sa sahig ng kuwarto. "H-Hinihintay ka..."
He heavily sighed. "I'm sorry I can't go home yet. Give me another two days."
"O-Okay..." nanginginig na sagot niya. Ang hirap pa lang maging perfect wife kay Bari. "H-Hindi ka ba busy?" tanong niya kunwari.
"I have an hour before my next appointment."
Tinignan niya ulit ang schedule ni Bari. Totoo ang sinasabi nito.
"Dapat nagpapahinga ka," sabi niya. "Imbes na tumatawag ka sa'kin, dapat ay nagre-relax ka."
![](https://img.wattpad.com/cover/73680322-288-k715759.jpg)
BINABASA MO ANG
Touch Me More (More Trilogy #1)
RomanceMore Trilogy Book 1: Touch Me More (2016) Maria Clara Alba Flores. Almost 16 years of existence and Czarina can't learn to appreciate her name. Then, Bari came who always calls her by her real name. Crisostomo Ibarra "Bari" delos Santos is a twenty...