CHAPTER SEVEN
"PASENSYA NA kung ngayon lang ako nakabisita, Czarina. Maraming inaasikaso sa trabaho. Buti nga at sembreak kaya kahit papaano ay nakapagpahinga rin ako sa pagtuturo."
Ngumiti si Czarina at umiling. "Wala iyon, Kuya Johann! Alam ko namang matagal mo nang gustong maging teacher at ngayong teacher ka na nga, siyempre, busy ka na." Sumubo siya ng strawberry ice cream na pasalubong nito sa kanya.
Nakita niya ang pagngiti habang pinapanood siyang kumakain. Katatapos lang nila mag-dinner kasama ang Papa niya at ang stepmom niya. Alas-diyes na ng gabi ngunit nanatili si Kuya Johann para daw makapagkuwentuhan pa sila.
"Magka-college ka na sa susunod na taon, ano namang kukunin mo?" tanong nito at saka kumuha ng tissue at marahang pinahid sa gilid ng bibig niya.
Pilit itinago ni Czarina ang kilig. It's just a normal gesture for Kuya Johann to take care of her. Bago ito bumukod noong nagkolehiyo ay maalaga talaga ito sa kanya. "Hindi ko pa alam kung papayagan ako ni Papa kumuha ng kursong related sa pagsusulat. Gusto ko sana ng Journalism o kaya Creative Writing. But Papa wanted me to go for a business related course."
"Papayagan ka naman ni Tito Ed kung sasabihin mong gusto mo talagang maging writer."
"I know that. But I know he really wanted me to take over our business someday. Kanino niya pa kasi ipapasa iyon? Ako lang naman ang anak niya."
"Eh, gusto mo bang mag-aral ng business course?"
Mabilis siyang umiling. "I'm not even interested to run the flower plantation."
"O! Ganoon naman pala. Maiintindihan ka ng Papa mo." Tinutok nito sa kanya ang kutsara nito. "Piliin mo ang mahal mo kung puwede naman. Siyempre, ilang taon ka rin sa college. May mga pagkakataong sobrang mahihirapan ka pero kailangan titiisin mo, hindi lang dahil gusto mong makapagtapos, pero dahil gusto mo ang ginagawa mo." Sumubo rin ito ng ice cream. "Saan ba worth it ang pain at sacrifice? Doon sa tao at bagay na mahal mo."
Napakurap si Czarina. Talking about it, biglang nag-pop up sa utak niya ang guwapong kapitbahay nila... Napayuko siya nang maalala ang kahihiyan kaninang hapon. Hay nako talaga! Nakakahiya talaga kay Bari 'yung tanong niya. She just asked him to court her when she's older!
Parang tanga lang talaga siya.
"Ano nga pala ang sinasabi ng Papa mo kanina?" nag-iba ang tono ni Kuya Johann sa pagtatanong. "May bago daw kayong kapitbahay at lagi kang nandoon?"
"Uh...nakikipagkaibigan ako, Kuya."
Tumango-tango ito. "Twenty-three na daw? Mas matanda pa pala sa'kin ng dalawang taon. Guwapo pa daw," nakatingin ito sa kinakaing ice cream habang sinasabi iyon.
"At saka mabait!" dagdag niya pa. "Kaso, bihira lang ngumiti. Hindi kagaya mo laging nakangiti."
"Crush mo iyon, ano?"
Natawa siya. "Paano mo nalaman?"
"Lahat yata ng guwapo, crush mo."
Lalo siyang natawa. Eugene said that also. "You're guwapo, too!"
"Ssshh! Secret lang iyon!" kunwaring saway nito na may mga mapaglarong ngiti. "Dahil humble ako, babaan natin ng kaunti. Pogi lang, sapat na."
She giggled and pinched his cheeks.
Actually, when she looked at it, Kuya Johann is more charming than Bari.
BINABASA MO ANG
Touch Me More (More Trilogy #1)
RomanceMore Trilogy Book 1: Touch Me More (2016) Maria Clara Alba Flores. Almost 16 years of existence and Czarina can't learn to appreciate her name. Then, Bari came who always calls her by her real name. Crisostomo Ibarra "Bari" delos Santos is a twenty...