CHAPTER TWENTY-EIGHT
NAKATULALA pa rin si Czarina hanggang ngayon sa harap ng desktop computer niya. It's been a month and she had nothing good to write down.
Narinig niya ang pagkatok ni Yaya Salome sa pinto ng kuwarto niya. "Clara, nandyan ang asawa mo sa baba."
"Sige po." She shut down her computer. Tutal, hindi naman na talaga siya makakapagsulat.
Bumaba siya at sa bungad pa lang ng hagdan ay nakita niya na si Bari.
"Don't you want to go home yet?" tanong nito. Hinawakan siya nito sa baywang at matunog na hinalikan sa pisngi.
Umiling lang siya. Mas gusto niya sa bahay kasama ang Papa at madrasta niya. Kahit papaano ay hindi na siya laging umiiyak. Mas nakakakain siya doon ng mga pagkaing luto ng madrasta. Mas natutukan nga siya ng ama.
"Upo ka..." aniya rito. Nilagpasan niya ito at siya na ang naunang umupo sa sofa ng sala.
Bari visits her everyday. Kaya hindi naman na bago sa kanya. Nasa kabilang bahay na rin ulit ito nakatira para magkalapit pa rin sila. Two weeks ago, he slept in her room. Pero hindi siya naging komportable kaya umalis din ito at natulog na lang sa kabilang bahay. Hindi na sila ulit nagtabi pagkatapos niyon.
"Pupunta si Mama bukas sa bahay. Sisilip siya rito para makita ka," ani Bari. "She misses you."
Tumango siya. "I miss Mama Bella, too."
"How about me?" Sinubukan ni Bari na lambingin siya. Ngunit si Czarina na mismo ang umiwas.
Lumayo siya ng bahagya kay Bari nang tumabi ito sa kanya. "Bakit ang aga mo yata? Wala ka na bang trabaho?"
He must have noticed her discomfort. Kaya hindi na ito nagpilit na makatabi siya. He stayed at a distance and looked at her. "I filed a short leave effective today. Gusto ko sanang magbakasyon tayong dalawa."
Napakurap siya. "B-Bakit kailangan mong lumiban sa trabaho? Hindi naman natin kailangang magbakasyon."
He shrugged. "I want to have an alone time with you. Napagtanto ko, dapat ay nasa honeymoon pa rin tayo pero dahil sa dami ng trabaho ay napapabayaan kita."
Mabilis siyang umiling. "Hindi ko naman naramdaman na pinapabayaan mo ako." When in fact, she's the one not taking care of him.
He extended his hand to hers. "I just felt like we're... we're growing apart since you went home here."
Nahihiyang nagbaba siya ng tingin. Nakita niya ang higpit ng hawak nito sa kamay niya.
Kung hindi pa mawawalan ng baby si Czarina, hindi niya pa mare-realized kung gaanong kalaking pagkakamali ang pinasok niya.
She was never ready for marriage. Her love for Ibarra is still childish and immature. She never thought of his welfare but only hers.
Bari doesn't deserve someone like her. He deserved more. His father was right. Bari deserved someone his equal. Someone within his age. Mature, intelligent, kind, well-mannered... Iyong babaeng wala na kailangang patunayan dahil nagsusumigaw na sa buong pagkatao nito iyon unang tingin pa lang.
Maybe that Ingrid girl.
Iniisip niya pa lang na mapupunta si Bari sa iba ay namamatay na ang puso niya.
Masyadong mapagmahal si Bari. Nakakatakot. Kaya nitong magmahal ng wagas. Pero siya, ni karampot na wagas na pagmamahal, hindi niya magawang isabuhay.
She was used in writing love stories. That she forgot she's living in real life and what she entered was a true marriage with all the complications and such.
BINABASA MO ANG
Touch Me More (More Trilogy #1)
RomanceMore Trilogy Book 1: Touch Me More (2016) Maria Clara Alba Flores. Almost 16 years of existence and Czarina can't learn to appreciate her name. Then, Bari came who always calls her by her real name. Crisostomo Ibarra "Bari" delos Santos is a twenty...