Chapter Sixteen

107K 3.8K 464
                                    

CHAPTER SIXTEEN        

BARI and Czarina became closer after she knew about his family's story.

When he cried, Bari became closer to Czarina's heart. Parang ayaw niya nang makita pa ulit si Bari na nasasaktan ng ganoon. Ayaw niya nang makitang lumuha ito para sa amang hindi naman nakikita ang halaga nito.

Nangako si Czarina sa sarili na kapag puwede na ang lahat, siya ang magpapasaya kay Bari.

"Why are you smiling like that?" tanong ni Bari sa kanya habang naglalakad-lakad sila sa garden ng isang resto na pinagkainan nila.

It's her nineteenth birthday! Imbes na maghanda ay hiniling niya na buong araw lang makasama si Bari. And despite his busy schedule, he chose to be with her.

"Masaya ako, eh," aniya at saka niyakap ang bouquet of tulips na bigay nito kanina bago sila maghapunan. "Isang taon na lang!"

Bahagyang ngumiti si Bari. "One year to go, indeed."

"Naiinip ka na ba?" aniya rito.

Umiling ito. "How about you?"

"Minsan," pag-amin niya. "But it's okay. Nandyan ka naman palagi. So, alam kong may pupuntahan 'tong paghihintay ko." Kumapit siya sa braso nito at hinilig ang ulo doon.

Naramdaman niya ang isang kamay ni Bari na hinawakan ang kamay niya. They stopped walking. Nakatapat sila sa isang lamp post. At sapat ang ilaw niyon para makita niya ang giliw sa mga mata ni Bari.

"I have a gift for you."

Nanlaki ang mga mata niya nang maglabas ito ng gold bracelet na may heart charms. Tugmang tugma ang disenyo sa locket necklace na binigay nito three years ago.

"You won't really remove this?" marahang tanong nito nang makitang suot niya pa rin ang silver bracelet na bigay ni Kuya Johann.

Tinitigan niya nang mataman si Bari. Wala namang disgusto sa ekspresyon nito ngunit mukhang hindi rin ito masaya habang nakatitig sa bracelet niya.

Lihim na napabuntong-hininga si Czarina.

Sorry, Kuya Johann...

Inalis niya ang bracelet na suot. Gulat na napaangat ng tingin sa kanya si Bari.

She smiled at him. "I have to be loyal, right?" She'll commit herself to Bari from now on. Kahit wala pang pormal na relasyon. Doon rin naman ang punta nila.

Sumilay ang pinakamagandang ngiti ni Ibarra. May kislap ang mga mata nito nanG sinusuot ang gold bracelet sa kanya.

"This is so beautiful!" aniya at saka hinaplos ang bracelet na nakasuot na sa kanya. "My secret message din ba 'to?" biro niya at saka hinaplos ang mga heart charms.

"Next year, you'll know."

Napanguso siya. As usual. Waiting game is still on.

Halatang mas masaya si Bari nang makitang wala na siyang ibang palamuti kundi ang ang necklace at bracelet na bigay nito.

Hinawakan niya ang kamay nito at naghugpong ang mga daliri nila. Hindi pa rin nawawala ang kiliti sa puso niya sa tuwing naghahawak kamay sila.

"How's Tita Bella?" kumusta niya sa Mama nito.

"Busy. May business trip na pinuntahan si Papa sa Europa. Sumama siya."

Tumango lang siya at hindi na tinuloy pa ang pagtatanong. Ang Mama lang naman nito ang gusto niyang kumustahin talaga. Ayaw niyang i-bring up pa ang ama nito. She doesn't want to spoil their night together.

Touch Me More (More Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon