CHAPTER TWENTY-TWO
NAPATILI nang malakas si Czarina nang tumalsik ang mantika mula sa piniprito niyang itlog.
"Oh my goodness! It's gonna kill me!" tili niya at pikit matang sinara ang kalan. "Ugh!"
She just wanted to prepare a delicious breakfast for Bari. Pero nang nagpiprito na siya nang itlog ay bigla niyang naalalang hindi pala siya marunong magluto.
And the cooking oil scared the hell out of her. Napanguso siya nang makita ang kalat na ginawa. Hindi niya na maipapagpapatuloy iyon. Ayaw niya na. Gagawan niya na lang ng fresh fruit and vegetable salad si Bari.
Tinapon niya sa basurahan ang itlog at mantika. Naghugas siya ng kamay at saka kinuha sa ref ang mga kailangan.
Pinatong niya sa table ang mga nakuhang prutas. Then the green vegetables.
Tinitigan niya ang mga iyon. At saka niya naalala na hindi siya marunong gumamit ng kutsilyo.
"Crap. I'm stupid!" she frustratedly said. Napaupo na lang siya. She wished Yaya Salome was here...
Bumaling siya sa matalim na kutsilyo. Well, she can try... Pero natatakot siyang mahiwa ang sarili.
Sa huli. Kumuha na lang siya ng mga orange at binalatan iyon. Ganoon din ang ginawa niya sa saging. Well, at least she can cut the banana into pieces. Table knife pa ang gamit niya para safe.
Maybe she can toast a bread. Yeah, she can do that. Pagkatapos ay nagburo din siya ng kape.
"Okay. Not stupid at all," ngiti niya sa sarili. May silbi siyang asawa, yes!
She set the table for two after toasting the bread and brewing the coffee.
Pagkuwa'y pumasok siya ng kuwarto at tumuntong sa kama.
"Bari, wake up!" gising niya sa asawa. She discovered that Bari is a deep sleeper. Hindi ito madaling magising kapag tulog. Kahit magka-giyera sa labas ay mahimbing pa rin ang tulog nito!
He won't wake up unless he wants to wake up.
But Czarina found a way how to stir him to life. Umupo siya sa tiyan nito at kinurot ang magkabilang pisngi nito. "Crisostomo Ibarra, gising na!"
Pagkuwa'y yumuko siya at kinagat ito sa... baba.
"Ouch..." daing nito at saka unti-unting napadilat.
She smiled so sweetly at him. "Nauna akong nagising sa'yo!" natutuwang sabi niya. Mahirap bumangon sa umaga pero para mapagsilbihan si Bari ay gagawin niya.
Hindi na ito nagulat na nasa ibabaw siya nito. Nagsalubong ang mga kilay nito at napahimas sa baba. "Why are you up already?" inaantok na wika nito.
"I made breakfast for you..." Hinalikan niya ang baba nito. "Kain na tayo."
Napangisi ito at pumikit ulit. "Ginawan mo ko ng agahan kung kailan wala na 'kong rason para gumising ng maaga para sa trabaho."
She pouted. "Totoo bang tinanggal ka ng Papa mo sa trabaho? I think he's just mad."
Bumangon na ito kaya umalis na siya sa ibabaw nito.
"It's true."
Napanganga siya.
"For a week, maybe." He shrugged and stretched his arms. "Depende kung kailan ako tatawagan ni Mama."
"Ang gulo ng family mo..." naisatinig niya. Matagal niya naman nang alam iyon pero nagulat pa rin siya na walang improvement ang scary and conceited father-in-law niya.
BINABASA MO ANG
Touch Me More (More Trilogy #1)
RomanceMore Trilogy Book 1: Touch Me More (2016) Maria Clara Alba Flores. Almost 16 years of existence and Czarina can't learn to appreciate her name. Then, Bari came who always calls her by her real name. Crisostomo Ibarra "Bari" delos Santos is a twenty...