Chapter Eight

129K 3.9K 321
                                    

CHAPTER EIGHT

NAKANGALUMBABA si Czarina habang nasa terrace na naman ng bahay nila. She saw Bari came out from his house. He's wearing a black executive suit. His hair was nicely combed and he looked sa damn handsome while opening the door of his car.

Inilagay nito ang hawak na attache case sa loob ng sasakyan. She saw him fixed his cufflinks before getting in the car. Mukha itong nagmamadali at napaka-importante ng pupuntahan. Tumunog ang phone nito at agad na sinagot iyon.

Hindi niya na lang ito tinawag para hindi niya maabala. Nagkasya na lang siyang nakita ito ng araw na iyon. Hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi niya tuwing naalala ang posibleng ibig sabihin na maghihintay daw ito sa kanya. She can still remember it clearly. Siyempre! Isang araw pa lang ang nagdaan.

Laging hindi mapakali ang puso niya sa tuwing naiisip niya na... baka naman may gusto din sa kanya si Bari? Pero pinipigilan lang nito dahil bata pa siya?

Nanginig si Czarina sa kilig. That could be a possibility! Dahil bakit ito magpapahayag ng ganoon kung walang ibig sabihin?

Gustong-gusto niya itong kausapin ulit. But he became busy the following days. Siya naman ay ganoon din dahil tuluyan na ngang aalis si Eugene.

"Huwag kang umiyak," utos ni Eugene sa kanya na parang napakasimple lang magpigil ng luha.

"Aalis ka at sasabihan mo 'kong huwag umiyak?" Nagtuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha niya hanggang sa pumalahaw na siya ng iyak.

Napabuntong-hininga si Eugene. "Huwag kang maingay. Maririnig ka ni Eunice..."

Suminghot siya. "A-Alam niya bang aalis ka? Naiintindihan niya bang kailangan mong umalis para mag-aral sa ibang bansa?"

Malungkot na napailing ito. "Hindi ko alam paano magpapaalam sa kapatid ko..."

"Masasaktan ang kapatid mo! Alam mong ikaw lang gusto niyon palaging kasama!" Napangawa siya ulit. Napupunit na ngayon pa lang ang puso niya para sa nakababatang kapatid nito. Eunice is too little to be away from the only family she has.

"Hindi ko rin naman inaasahan na mapapaaga ang alis ko. Akala ko ay makakasama pa 'ko sa graduation. I never thought that Uncle Johnny would be able to process all the documents that fast."

Napasinghot siya. "Hindi ka na makakapunta sa birthday party ko! Wala na 'kong escort! Hanggang sa debut ko!" Mahigit apat na taon kasi itong mawawala. "Wala na 'kong ka-date sa senior prom. Sa graduation natin wala ka na..."

Sumandal si Eugene sa kinauupuan at saka malalim na nagpabuntong-hininga. "You'll get by without me, Czarina."

Umiyak lang siya buong oras na magkasama sila ni Eugene. It's hard to fully accept that her bestfriend's leaving. Kahit alam niya na, hindi pa rin sapat iyon upang mapaghandaan niya na talagang aalis na ito.

Why do people have to leave? Surely, letting go is for the better. Lagi niyang inaalala ang sinabi ni Bari. Siguro sa oras na makita niya ang kaibigan na successful na ay hindi sayang ang pagluha niya ngayon.

Tinignan niya si Eugene na tila malalim ang iniisip. Siguro ay pinoproblema pa rin kung paano magpapaalam sa kapatid.

Hindi talaga siya sanay na wala si Eugene. Wala na siyang kasabay pumasok, wala nang sasalo sa kanya sa recitations, wala nang magpapaalala na may homeworks sila, at wala na siyang maiistorbo kapag gusto niya magpalibre.

Ngunit higit sa lahat, wala nang magtitiyaga sa kaartehan niya. Eugene is the only friend who can be patient with her. Kaya wala siya masyadong kaibigan na babae dahil naartehan sa kanya, eh, maarte din naman ang mga ito.

Touch Me More (More Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon