Chapter Twenty-Three

113K 3.1K 1K
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

NAKABUSANGOT si Czarina habang sinesermunan siya ni Bari. Nalaman nito ang pagsampal niya sa kontrabida nitong ama.

"Who told you to do that?" Nakatiim bagang ito at tila nagpipigil ng galit.

"Wala nang kailangang mag-utos sa'kin para gawin iyon." Inirapan niya ito. "Kung ano-ano ang sinabi niya sa'kin, Bari!"

"Kahit na! He's older! Maybe the same age as your father. At tatay ko pa rin siya," mariing wika nito. "He's your father-in-law!"

Napahalukipkip si Czarina at tinalikuran ang asawa. "I just don't like what he said! Na para bang alam niya ang lahat. Napakasama ng ugali niya. Ayaw niya 'ko para sa'yo. At kaya ko siya hinarang noong isang araw dahil ayokong puntahan ka na naman niya para sabihan na naman ng makakasakit sa'yo. Worse, suntukin ka niya ulit!"

"You should have let me handle him." Sumunod ito sa kanya. "Hindi ka na dapat nangialam pa."

Napalabi na siya at pilit pinigilan ang mapaiyak. Oo na! Siya na ang mali! Pero hindi naman niya sinasadya ang pagsampal sa biyenan. Kahit siya ay nabigla sa sarili. She just can't bare being insulted like that.

"What did he tell you? Did he really offend?" Hinawakan ni Bari ang braso niya at pilit na hinaharap rito.

Ngunit nagmatigas si Czarina. Nilayo niya ang braso at galit na nilingon ang asawa. "Mananampal ba 'ko kung hindi?!" Nagtaas na siya ng boses. Ayaw na niya ngang maalala ang lahat ng sinabi ng matandang iyon. "Kung magsalita ka naman parang gagawin ko lang iyon dahil gusto ko lang at walang malalim na rason. Alam mo naman kung ano ang tabas ng dila ng tatay mo, hindi ba? Kung ikaw ngang anak, nagagawa niyang pagsabihan ng mga bagay na nagpapababa sa pagkatao mo, paano pa 'kong hindi naman niya kaano-ano?"

Diretso ang seryosong tingin sa kanya ni Bari. "Mali pa rin ang ginawa mo--"

"Eh nagawa ko na! Tapos na! Nasampal ko na! Ano ba? Gusto niya bang bumawi? Okay, fine!" talak niya. "Eh di, ipasampal mo 'ko diyan sa mahal mong tatay para quits!"

Napahilot si Bari sa sentido nito. "A sorry will do."

Napataas siya ng kilay. "No way! Hinding-hindi ako magso-sorry. Siya ang mauna!" Padabog na pumasok siya sa loob ng kuwarto.

"Maria Clara."

"Huwag kang tatabi sa'kin mamaya!" Binalibag niya pasara ang pinto.

Dumapa siya sa kama at sinubsob ang mukha sa unan. Kahit anong pigil niya sa mga luha ay nagbagsakan na lang iyon.

Akala niya ay siya ang kakampihan ni Bari. Pero siya na ang ininsulto ng tatay nito, siya pa ang pinagalitan ng asawa.

Hinintay ni Czarina na kumatok si Bari at suyuin siya. Pero lalo lang siyang nainis nang hindi nga ito tumabi sa kanya sa pagtulog!

Masama ang loob na nakatulog siya. Kaya pagkagising niya kinaumagahan, nakasimangot na agad siya.

Lumabas siya ng kuwarto. Nakita niya si Bari sa kusina. Mukhang bagong ligo, nakasuot ito ng long-sleeves at slacks pang-opisina.

So, his job is back.

The breakfast was ready on the table. Tahimik siyang umupo.

"Mama called," anito kahit hindi siya nagtatanong. "I'm needed in the office."

Tumango lang siya at nagsimulang kumain. Hindi niya pupuriin kung gaano kasarap ang ginawa nitong french toast.

Umupo ito sa katapat niyang upuan at humigop ng mainit na kape. Bari's coffee is always pure black. Nang tikman niya minsan ay ngiwing-ngiwi siya sa sobrang pait.

Touch Me More (More Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon