Chapter Twenty-Five

106K 3.4K 425
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

LIHIM NA umiiyak si Czarina habang nakahiga sa kama. Pauli-ulit niya na namang naririnig sa isipan ang mga sinabi ng ama ni Bari.

Aaminin naman niya. Oo, mabilis siyang magsawa. Mabilis siyang umayaw. May mga gamit siyang hindi nagtatagal dahil ayaw niya nang gamitin. Hindi nasisira ang gamit sa kanya dahil bagong-bago pa lang ay inaayawan niya na. Kadalasan, isang gamitan lang, ipapa-dispose niya na kay Yaya Salome.

But they were non-living things. Alam naman niya na iba kapag tao. She's immature, yes. And commits a lot of mistakes. But she can learn, right? She can mature. Kaya naman niya, eh.

Pero hindi niya iiwan si Bari. Hindi siya magsasawa sa relasyon nila. Patutunayan niya iyon sa biyenang lalaki.

Patutunayan niya iyon sa sarili.

Napasinghot siya at pinunasan ang mga luha. Bumangon siya. "Kaya ko 'to," aniya sa sarili. "Maybe, I'm an immature brat, but I can be better. I'll be better."

Para kay Bari.

Huminga nang malalim si Czarina. Tumayo siya at pumasok ng banyo. Inayos niya ang sarili. Pagkalabas niya, she's smiling with determination.

Tumawag siya sa opsina ni Bari at kinausap ang sekretarya nito. "Puwede kong malaman kung saan siya nakikipag-meeting ngayon?"

"Yes, Ma'am." Binanggit nito ang isang sikat na restaurant sa Roxas Boulevard. Agad siyang nagpasalamat at nagpaalam.

She called a cab. Wala pang isang oras ang inabot bago siya nakarating sa kung nasaan ang asawa. Nakisama ang traffic!

Pagkapasok niya ng Filipino-Chinese restaurant ay agad niyang natanaw ang asawa kasama ang iba pang mga ka-meeting nito. Puro matatandang lalaki. Halatang mga Chinese dahil sa mga singkit na mata.

Biglang tinamaan ng hiya si Czarina para lapitan ang mga ito na mukhang may mahalagang pinag-uusapan. Napaupo na lang siya sa isang gilid. Medyo malayo mula sa kung saan ang lamesa ng mga ito.

Nangalumbaba siya. Maghihintay siya hanggang sa matapos ang meeting. Gustong-gusto niya nang makausap talaga si Bari. She wanted to make sure that every things is okay between them.

May lumapit na waiter sa kanya. Um-order siya kahit hindi naman siya nagugutom. At least she can stay there longer.

Mula sa malayo ay tinatanaw niya si Bari. Seryosong-seryoso ito at may hawak pang ballpen at mga papel. Wala pang bawas ang pagkain nito.

Biglang nag-alala si Czarina. Kumakain pa ba ito sa tamang oras?

She felt guilty. She never asked him that.

Kahit nandyan na ang mga in-order niya ay nanatili ang mga mata niya sa asawa. Nagsasalita na ito pero hindi naman niya maintindihan dahil masyadong malayo.

Then, he stopped talking. Kumunot ang noo nito at biglang tumingin sa direksyon niya.

Nagkagulatan sila. Naramdaman siguro nitong may tumititig rito! At nasorpresang malaman na siya iyon!

Nginitian niya ito at kinawayan.

Napakurap ito at saka bumaling sa mga kasama. Maybe, he excused himself. Tumayo ito at naglakad papunta sa direksyon niya.

"Bari..." Tumayo din siya nang mas malapit na ito.

"What are you doing here?" he asked curiously.

Touch Me More (More Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon