Chapter One

225K 5.3K 639
                                    

CHAPTER ONE

Year 2002.

HINDI ALAM ni Czarina kung saan titingin. Doon ba sa bahay na may bagong naglilipat na? O sa bestfriend niyang naglalakad palapit sa kanya?

"Maria Clara!"

Napasimangot siya at nagtagumpay si Eugene na makuha ang atensyon niya.

"I hate that name!" singhal niya nang makalapit ito sa kanya. "You know that I hate that name!"

Ngumiti lang ito at pagkatapos ay kinuha ang bagpack niya. "Doon ko lang alam kung paano makukuha ang atensyon mo. Ano ba kasing tinitignan mo?"

Tinuro niya ang malaking bahay na katabi lang ng bahay nila. In that village, magkakakilala ang mga home owners, pero wala siyang nabalitaan na may bago pala silang magiging kapitbahay. "Kilala mo kung sino ang bagong lilipat diyan?"

Tinignan nito ang bahay. "Ah. Yeah. I heard a bachelor will occupy that house."

"Bachelor?" Her eyes widened. "Hindi pamilya?"

Umiling ito at tumingin sa wristwatch. "Come on now. It's time for school."

Mamaya nga ay makikitsismis siya sa mga katulong nila. Better yet, she'll ask her Yaya Salome later about their new neighbor.

Lumabi siya at kahit curious pa rin sa kung sino ang naglilipat doon ay sinundan niya si Eugene. Kumapit siya sa braso nito.

"Dala mo ba ang kotse mo?" she asked. "Ayoko nang mag-commute!"

Binalingan siya nito. "You know that I don't have a license yet. Dito ko lang sa village puwede imaneho iyon."

Napasimangot na naman siya. Isang linggo na silang nagko-commute! Mayaman naman sila pero hindi niya alam sa Papa niya kung bakit gusto nitong matuto siyang sumakay ng jeep! Ang init-init! Kung nabubuhay lang ang Mama niya, nunca na hayaan nitong hindi siya hatid-sundo ng driver nila!

Pinisil ni Eugene ang ilong niya. "Huwag ka nang nakasimangot diyan. Buti nga at sinasamahan kita."

Mas humigpit ang yakap niya sa braso nito. Eugene is the brother he never had. Magkaedad lang silang dalawa. She's fifteen years old turning sixteen this year. Si Eugene ay katatapos lang mag-sixteenth birthday this year. They are going to the same school, same year and same class.

Mula kasi pagkabata ay doon na silang dalawa nakatira sa village na iyon. At tatlong streets lang ang pagitan nila. Nagkakilala yata sila sa daycare noon. Pareho silang nag-kindergarden. After that, sabay na silang lumaki. From Kinder up to fourth year in highschool ay magkaklase sila.

"Napapagod na 'ko maglakad!" angal niya dahil naglalakad lang sila hanggang sa gate ng village at mula doon ay sasakay ng jeep. "Mag-tricycle na tayo, Eugene!"

Tinuro nito ang malaking gate ng village na medyo hindi naman kalayuan. "We're almost there, Czarina. Don't be such a brat now. Kung si Eunice ka ay maiintindihan pa kita."

Eunice is Eugene's younger sister. Six years old lang ang bata at minsan ay laging kasama ni Eugene kapag gagawa silang homeworks at projects sa bahay. That little girl was a little bratinella, too.

She rolled her eyeballs. Wala nang epekto kay Eugene ang mga angal niya. Dati, he would give in to her whims and caprices.

Pero habang lumalaki sila, parang alam na nito kung paano siya iha-handle. Mga buwan lang ang pagitan ng edad nila pero mas mature na ito mag-isip kaysa sa kanya.

Touch Me More (More Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon