Epilogue

211K 4.8K 842
                                    

EPILOGUE

Crisostomo Ibarra Anderson Delos Santos, 8 years old.

"HOW COULD you do this to me, Santino?!"

            "Shut up, Ysabella."

            Nakakatakot sa labas ng room. Pero sumilip pa rin ako kasi naririnig kong umiiyak si Mama. Kawawa naman si Mama ko. Lagi siyang inaaway ni Papa

            "Santi, may anak ka sa labas! Mga anak! Dalawa sa magkaibang babae! Paano mo nagawa sa'min 'to ni Bari?" humahagulgol na sigaw ni Mama. "Paano mong nakakayanan na saktan ako ng ganito?!"

            Tinignan ko si Papa. Hindi siya umiiyak at galit katulad ni Mama. Nakaupo lang si Papa sa mataas na upuan habang may hawak siyang isang baso ng... alam ko tawag doon, eh. Alak. Laging umiinom si Papa niyon. Siguro paborito niya.

            "You're always hurting me, Santino!"

            "Then leave! I'm not begging you to stay, anyway."

            Walang sinabi si Mama. Nagtakip lang siya ng mukha. She ran to her room. I think Papa is a bad guy. Pero sabi ni Mama hindi daw. Pinalo na 'ko ni Papa noon, eh. Masakit nga. Umiyak ako pero sabi ni Mama, galit lang daw si Papa. Mahal daw ako ni Papa. Eh, bakit niya 'ko pinalo?

            Umalis si Papa kaya lumabas ako ng room. Pupuntahan ko si Mama. She's sad. I want to hug and kiss her. Mama smiles when I do that.

            "Mama..." I opened the door. Mama's sitting on the side of the bed. She's still crying... Kawawa naman ang Mama ko. Gusto ko lagi lang siyang naka-smile kasi mas maganda si Mama kapag naka-smile.

            Mas lumapit ako kay Mama. "Mama..."

            Nagulat ko yata si Mama. "Bari!" She hurriedly wiped away her tears. "W-Why are you still awake, baby?" Hinawakan niya 'ko sa kamay. "Hindi ba, I told you to sleep na?"

            Hinawakan ko mukha ni Mama tapos inalis ko ang mga luha niya. Pagkatapos niyakap ko siya. "I love you, Mama." I kissed her on the cheeks also.

            Ngumiti si Mama. Ang galing ko talaga. Napangiti ko si Mama.

            Niyakap niya 'ko nang mahigpit.

            "Mama, inaway ka ni Papa ulit?"

            Mabilis siyang umiling. "No, baby..." Kinandong niya 'ko at saka hinaplos ang pisngi ko. "Sorry if you heard us. Nagising ba kita?"

            "Hindi po. Mama, alis na lang tayo dito para hindi ka na iiyak."

            She sighed. "Paano ang Papa mo kapag umalis tayo, Bari?" malumanay niyang tanong.

            Sumimangot ako. "Bad naman si Papa, eh. Okay lang iwan siya."

            "No, Bari..." Mama kissed my forehead. "Bari, lagi mong tatandaan na kahit bad ang isang tao, hindi ibig sabihin pagkakaitan mo siya ng pagmamahal. Your Papa... he's good in his own way. Yes, he makes me cry but sometime, he made me happy also. Ang mga tao na katulad ng Papa mo, hindi sinusukuang mahalin. Kasi kung good people lang ang mamahalin natin, paano ang mga bad?"

            Napalabi ako. Ganoon ba iyon? Eh, paano ka magla-love ng bad person? Bad sila, wala silang ginagawang nice.

            "Hindi ba, baby, ang love ni God para sa lahat?"

            Tumango ako.

            "Minsan, para tayong si Papa mo. Bad tayo kay God kasi hindi natin Siya sinusunod. Hindi natin Siya pinapansin. Inaalis natin Siya sa buhay natin. Hindi tayo nagsi-seek ng help kay God. Hindi natin Siya tinatawag. Hindi natin Siya kinakausap maliban na lang kapag may kailangan lang tayo sa Kanya..."

Touch Me More (More Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon