Chapter Twenty-Nine

115K 3.8K 1.5K
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE

December 27, 2007.

IT HAS been months since Czarina left Bari. Nagtangka itong puntahan siya pero ang Papa na mismo niya ang humaharang rito.

Nang sinabi niya sa ama na gusto niya nang makipaghiwalay kay Bari ay wala itong nagawa. Napagtanto niya na masyado pa lang suko sa kanya ang ama. Na kahit anong hingin niya ay ibibigay nito.

"Hindi ko po deserve si Bari. Kasi po masyado siyang mabait. Ako po hindi." She laughed at her own heartache. "Masyado po siyang magmahal. Pero lagi ko lang siyang sinasaktan. Nang naisip ko pong gumawa ng paraan para maging proud siya sa'kin, palpak naman po ako."

"Sa tingin mo ang annulment na 'to ang pinakatamang gawin?" tanong ng Papa niya.

"Gusto ko pong maging malaya si Bari at makahanap ng bagong babaeng magpapasaya sa kanya. Iyong mas matalino, mas mabait, mas maganda, mas maalaga, mas malawak ang pag-intindi. For short po, mas mature kaysa sa'kin. For shorter, hindi ako."

Her father chuckled. "You're belittling yourself. Tatanda ka pa, anak. Marami pang experience ang makakapagpa-mature sa'yo."

"Eh, Papa, kapag naging mature na 'ko, siyempre naman hindi na makikipagbalikan si Bari. Nasaktan ko na siya masyado." Napalabi siya. "Hahanapan ko na lang siya ng bagong girl..."

"Bakit parang labag sa loob mo?"

Hindi siya nagsalita. "Magsusulat na ulit ako, Papa. Thank you sa gift!" masayang sabi niya sabay angat ng malaking box na naka-gift wrap pa. Hinalikan niya ito sa pisngi.

"Sigurado ka bang ayaw mong mag-celebrate sa labas?"

"Hindi na po, Pa." It's her twenty-first birthday. Maybe it's time not to celebrate it.

Pagpasok niya sa loob ng kuwarto ay nagsulat na lang siya. Marami siyang naisip na bagong plot. Hmm. She'll try to work out these new stories in mind.

She's excited writing more than ever. Kakalabas lang ng unang published book niya two months ago. And it was well received. Ang dami niyang natatanggap na fan mail. Mas ginanahan tuloy siyang magsulat.

By January next year, may ilalabas ulit na libro niya. Her readers were excited. Lalo na siya. Sana magustuhan ulit ng mga tao iyon katulad nang nauna.

Hindi namalayan ni Czarina na gumabi na. Lumayo na siya sa computer nang humapdi ang mga mata. Tumayo siya at nag-inat. Lumabas siya ng kuwarto at napatingala sa madilim na kalangitan. Napasulyap siya sa kabilang bahay.

Sarado ang lahat ng ilaw doon. Walang tao. Wala si Bari... Dahil hindi na nito iyon bahay. It was sold to a new owner just a week ago. Hindi niya alam na ibebenta pala nito iyon.

Pero hindi naman niya masisisi si Bari kung gusto nitong huwag na siyang maalala. Since he stopped trying to talk with her also.

Napapitlag siya nang tumunog ang phone niya. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita kung sino ang tumatawag.

"Hello?" she answered. Ilang beses niyang napalunok at kung may anong lumilipad sa tiyan niya.

"Happy Birthday, Maria Clara."

When she heard his voice again, she almost melted. Napapikit siya. "B-Bari..."

"Kumusta ka na?"

Ito na lang ulit ang muli nilang pag-uusap pagkatapos niyang makipaghiwalay.

"I'm doing fine."

Touch Me More (More Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon