Chapter Seventeen

119K 3.3K 483
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

NAPAKAGANDA ng gising ni Czarina kinaumagahan.

Nakangiti na siya kaagad pagkabangon pa lang kahit pikit na pikit pa ang mga mata. Nag-inat-inat siya at saka dahan-dahang dinilat ang mga mata. The sun shined brightly. She's really not a morning person but this day is such a start of something new for her.

No more papers to pass. No more headaching and heartbreaking school responsibilities. No more studying! No more college!

"Yes! Yes! Yes!" sigaw niya at saka tumayo na. Dumungaw pa siya sa bintana at sa tingin niya ay nag-aawitan pa ang mga ibon sa puno. She happily sighed.

She can do whatever she wants now!

Mas napangiti siya at napatakbo palabas ng terrace. Walang suklay at hilamos pa siya pero tuloy-tuloy pa rin siyang dumungaw sa kabilang bakod. And there! She saw her boyfriend washing his car.

Impit siyang napatili. Her boyfriend. Her boyfriend. Her boyfriend!

"Good morning, Bari!" malambing niyang sigaw upang marinig ng nobyo.

Nobyo. Oh, my jeez! Dapat na siyang masanay na tinatawag na ganoon si Bari. She wanted to scream like a teenager. Nakakakilig!

Pinatay ni Bari ang waterhose at napatingala sa kanya. Ngumisi ito. "You woke up early, huh?" anito.

Luminga-linga siya at nakita sa baba ng bakuran nila na wala ang Yaya niya at tulog pa ata ang security guard nila. Bumaling ulit siya rito.

"I'm excited to see you!" she sweetly said.

Doon mas lumuwag ang ngiti nito. Tila gusto pa nitong pigilan pero huli na. Parang nahihiya na iniwas nito ang tingin at napailing-iling.

"Can I come over? I'll bring breakfast," alok niya.

"Comb you hair her first, dear."

She pouted and hurriedly went back to her room. Mabilis lang siyang nagsuklay, naghilamos, at nagsepilyo. Nakapajamas pa siya pero hindi niya na lang pinalitan. Bumaba siya sa kusina at nakita si Yaya Salome na naghahanda ng breakfast.

"Good morning, Yaya! What's for breakfast?" Nakiusyoso siya sa ginagawa nito.

"Ano bang gusto mo? Maghahanda na lang ulit ako," anito habang naghihiwa ng mga prutas. "Kanina kasi ay maagang nag-agahan sina Sir dahil may aasikasuhin yata."

Kumuha siya ng isang pisngi ng mangga. "Wala na sina Papa?"

"Oo. Pero uuwi daw bago magtanghalian. May lakad ka ba ngayon?"

"Wala po. Magsusulat lang ako sa taas, Yaya." She started eating the mango. "Yaya, slice mo pa 'ko ng maraming fruits at saka gawa ka rin ng french toast. Para sa amin ni Bari!"

Nilingon siya nito. "Pupunta ka ba sa kabila?"

"Opo."

Napailing ito. "Nako, Clara, iba na ang relasyon niyo ni Sir Bari ngayon, ha. Tigilan mo na ang pagpunta sa kabilang bahay lalo na at kayong dalawa lang doon."

Napasimangot siya. "Ha? Bakit naman, Yaya? Since I was fifteen, I go there!"

"Iba na nga ngayon. Hay nako ka. Nobyo mo na si Sir Bari kaya naman iba na rin ang magiging ihip ng hangin kapag nakapagsosolo kayo."

Touch Me More (More Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon