CHAPTER TWENTY-SEVEN
CZARINA lost it.
She lost the baby.
Actually, it's not yet a baby nor a fetus. It was only a one-week old embryo.
"It was an inevitable miscarriage, Mister and Misis Delos Santos," paliwanang ng OB-GYNE. Sa pagdurugo daw niya ay sumama na ang munting buhay na nagsisimula pa lang mamumuo sa loob niya. "It usually happens when the embryo is just a week or weeks old. Hindi rin ganoon kalakas ang kapit. So, whether the embryo stayed a little longer, it will still result to a miscarriage."
Nakatulala na lang si Czarina. She can't totally absorb the fact that... she was pregnant. She doesn't know. And now it's gone.
"You're still young, Mrs. Delos Santos. Only twenty..." Tinignan nito ang files niya. "Usually, nangyayari talaga ang mga ganito kapag unang anak at bata pa ang katawan ng ina. But don't worry because you can just try again."
How can this doctor talk about a lost life that simple? Usual? Normal? She can just try again?
"We didn't know my wife's pregnant," Bari said. Mula kanina ay ito lang ang maayos na nakakausap.
He saved her. But it was too late. Nagising na lang si Czarina kanina. Parang walang nangyari sa kanya. She was fine. The bleeding stopped. Ngunit lumabas sa isang test na ginawa sa kanya na isang linggo na nga siyang buntis. But it was... gone.
"I understand," tumatangong sabi ng doctor. "Hindi kayo ang unang may ganyang kaso. Women come here without knowing what had happened to them. Hindi lang kayo ang mag-asawang clueless sa pagbubuntis ng misis. Good thing though that your wife is okay. It was also a complete miscarriage. The embryo was out of the uterus completely. Wala na tayong kailangang gawing surgical process."
"We should be thankful for that?" naguguluhang tanong ng asawa niya.
"Well, honestly yes. Dahil kung may mga naiwan pang products of conception sa asawa mo ay kailangan pa naming ilabas lahat iyon mula sa bahay-bata niya. And it would be more painful and traumatic for her."
Napayuko siya. Kanina niya pa gustong umiyak. Pero tuyong-tuyo ang mga mata niya. Parang kinuyom nang mahigpit ang puso niya. Anong klase siyang tao? Hindi alam na buntis siya? Hindi alam na may baby na?
At wala na iyon ngayon bago man lang niya maalagaan nang maayos.
"Mrs. Delos Santos," tawag ng doktor na nagpaangat sa kanya ng tingin. "Do you smoke?"
Umiling siya.
"Drink alcohol?"
Umiling ulit siya.
May sinulat ito sa files niya. "Are you taking some meds?"
Doon siya tuluyang natigilan. On her peripheral vision, she saw Bari looked at her. Czarina felt the great terror on her system.
"M-May kinalaman po ba iyon s-sa... sa pagkawala ng baby?"
"Well, we're going to trace it first. May iba namang gamot na safe inumin. Have you drunk some medicine? What kind of drug?"
Czarina started shaking. She felt Bari's arms around her. "Puwede bang ipagpaliban muna ito? I want to take my wife home."
"Pills..." nasambit niya. "I drink contraceptive pills."
BINABASA MO ANG
Touch Me More (More Trilogy #1)
RomanceMore Trilogy Book 1: Touch Me More (2016) Maria Clara Alba Flores. Almost 16 years of existence and Czarina can't learn to appreciate her name. Then, Bari came who always calls her by her real name. Crisostomo Ibarra "Bari" delos Santos is a twenty...