April
Sinipat ni April ang repleksiyon sa salamin.Kaarawan ng nobyo niyang si Paulo kya kailangan ay maganda siya. Napangiti siya. Sana ay magustuhan nito ang regalo niya para dito. Noong huling beses na binilhan niya ito ng asul na necktie na may yellow doodles ay nagustuhan nito iyon.
Kinapalan niya ang kanyang lipstick at sinuklay ang kanyang buhok bago siya lumabas ng comfort room. Habang palabas ay kinuha niya ang cellphone sa kanyang bag. Dahil hindi siya nakatingin sa dinaraanan ay nagulat siya nang bumangga siya sa isang bulto. Na outbalance siya at nabitiwan ang kanyang bag.Kumalat sa sahig ang laman niyon. Nabuksan pa ang face powder niya.
oh! yumuko siya at pinulot ang mga iyon.Pero may mas maagap na kamay ang nauna sa kanya.Iniabot niyon sa kanya ang mga gamit niya.Tumaas ang tingin niya sa nakabungguan niya.Six feet ang taas nito kaya hanggang mga balikat lang nito ang inabot ng kanyang mga mata.Matangkad din naman siya pero pakiramdam niya ay bigla siyang lumiit kahit mataas ang takong ng sapatos niya.
My God! Ang guwapo ng lalaking 'to. May kahawig siyang artista,anang isip niya.Hindi naman niya masabi kung sinong artista ang kahawig nito.Hindi na rin niya napag masdan ito dahil tumalikod na ito at walang salitang lumakad palayo.
Nakulong sa bibig niya ang salitang "sorry."Tsinek niya ang kanyang bag kaya hindi na niya nakita kung saan nag tungo ang lalaki.Obviously,customer din iyon ng restaurant na kinaroroonan niya sa Makati.Mahal ang reservation doon pero hindi niya ininda dahil para naman iyon sa kaarawan ng kanyang nobyo.
Tiningnan niya kung mayroon siyang bagong text message.Nang makitang wala ay bumalik na siya sa mesang ipina reserve niya para sa kanila ni Paulo.Mayamaya ay lumapit sa kanya ang waiter.
iseserve na po ba namin ang mga pagkain,ma'am? magalang na tanong nito.
Mayamaya na lang,kapag dumating na 'yong kasama ko,sagot niya.Tumingin uli siya sa kanyang relo.Alas otso na ng gabi pero maaga pa iyon sa oras na pinag usapan nila ni Paulo.Makailang ulit pa siyang tumingin sa entrance door bago ito dumating.
Itinuro dito ng waiter ang table nila at saka ito lumapit sa kanya.Alanganin ang ngiti nito.Nahinuha niya kung ano ang iniisip nito.Ang akala siguro nito ay galit siya dahil noon lamang ito dumating.
Its okay.I understand,paniniyak niya.Tumayo siya mula sa kanyang silya at niyakap ito nang mahigpit.Happy birthday.Humiwalay siya ritoat inabot dito ang isang kahita.
Tila lalong na guilty ito. April...
Its my gift.I hope you like it,ngiting ngiting sabi niya.You can open it now or later na lang.
Tinitigan lang nito ang maliit na kahon.
Come on,lets sit.Umupo sila.Are you hungry?Hmm...wait.Tinawag niya ang waiter at sinabihang maaari nang iserve ang kanilang mga pagkain.Saka niya ibinalik ang tingin sa kanyang nobyo.Im sure you'll gonna love this.Inorder 'ko yong mga paborito mo.'di ba na try mo nang kumain dito?Ni recommend din ito sa akin ni Betchy.Masarap daw ang mga food dito.We will see.Masaya ang mood niya kaya hindi niya agad napansing malungkot at tila may mabigat na dindala ang kanyang nobyo.
Paulo,what's wrong?May problema ba?
Hindi ito makatingin nang diretso sa kanya nang sumagot.
hanggang dito lng po muna...
sana my mg basa...😔😔
BINABASA MO ANG
THE ARROGANT
Ficção AdolescenteArogante at dominante ang unang impresyon ni April kay Miguel ang labis pa niyang ikinainis dito ay parang sinisikap talaga nitong saksihan ang mga weak moments niya. She was recovering from a heartbreak and the least she needed was a man who keeps...