Chapter 7 (Mild SPG)

41.6K 837 30
                                    


"SINERYOSO mo talaga?" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Vernon kay Haley nang magtanong siya sa pinsan ng mga sites ng soft erotica kung saan pupuwede siyang manood ng video clips na walang threat ng virus o spams.

"O, bakit ka nagulat diyan? Ikaw itong nag-suggest sa akin ng ganoon, ano?"

Talagang dinayo niya ito sa bahay ng kanyang Uncle Bien upang kulitin. Alam niya kasing mas malakas ang loob ni Vernon na mag-try ng mga nakakalokang bagay kesa sa kanya. Isa lang yata ang kinatatakutan nito: ang makipag-boyfriend.

Niyaya siya nito sa kuwarto nito at binuksan ang laptop na nasa ibabaw ng mesa doon. Nag-search nga ito sa Google ng mga safe na sites na nagpapalabas ng mga erotic videos.

"Mas safe pa kung 'yung pay per view ang sites na puntahan mo," suhestiyon pa nito. "Kung 'yung mga libre ay puputaktahin ng mga spams ang email mo, bebentahan ka ng kung anu-anong produktong may kinalaman sa sex."

"Andami mo talagang alam sa ganito," nangingiting sabi niya sabay upo sa swivel chair paharap sa mesa.

"Aba'y mabuti na 'yung may background naman ako kahit paano sa mga ganito, ano? Baka niri-rape na pala ako eh, hindi ko pa namamalayan. Saka tamad ako magbasa, mas gusto kong nanonood na lang. Saka soft erotica lang naman, hindi porn."

"Saan mo naman gagamitin ang mga natututunan mo sa mga pinapanood mo? E, wala ka namang balak makipag-boyfriend?"

"Malay mo magbago ang isip ko," tumatawa namang sabi nito.

"Inggit ka sa amin ni Dixon, ano?" tudyo niya kay Vernon na sinabayan ng pagsundot sa tagiliran nito.

Nag-dive naman ito nang padapa sa kama. "Hah! No way. Ano namang kaiinggitan ko sa inyong dalawang patago sa iyong mommy kung magkita? Sa totoo lang ay naaawa na ako sa iyo, Haley."

Iniikot niya paharap dito ang kinauupuang swivel chair. "Pathetic ba?"

"'Yung totoo? Oo," anitong tumango-tango.

Napangiwi siya. "'E ano namang magagawa ko, sabi ko naman sa iyo na mahal ko si Dixon."

"Nasa-shock lang naman kasi ako sa pinaggagagawa mo sa buhay mo, Haley. Imagine, willing ka talagang mabuntis para lang hindi ka ilayo ng mommy mo kay Dixon. Aba'y pag-isipan mo namang mabuti 'yan bago ka sumige."

"This is your fault, eh. Binigyan mo ako ng idea!" asik niya dito at pabirong hinampas ito ng unan sa likod.

"Hindi ko naman alam na uto-uto ka pala!" tumatawang singhal nito at gumanti din ng paghampas ng unan.



PAGKATAPOS kumain sina Dixon at Haley ng dinner sa gabing iyon ay sumakay sila ng taxi. Gamit ni Duncan ang owner-type jeep ng kanilang Tatay sa gabing iyon kaya nag-commute na lamang siya sa pakikipagkita sa kasintahan. Nagulat siya nang sabihin ni Haley sa driver na sa isang mamahaling hotel sila dalhin nito.

"Haley, what is this?" naguguluhang tanong niya dito.

Mahina itong sumagot. "Gusto ko lang magsolo tayo."

"Pero nagsosolo naman tayo ngayon. I mean, tayong dalawa lang naman ang magkasama."

"B-basta, doon ko gusto. Pumayag ka na lang."

Malapit lamang sa kinainan nilang restaurant ang hotel kaya wala pang limang minutong sakay sila ng taxi ay narating na nila iyon.

"Anong gusto mong mangyari?" tanong niya dito habang nagpapatiuna itong maglakad patungo sa lobby ng hotel. Hinuli niya ang braso nito. "Haley."

Old Flames (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon