Chapter 18 (Mild SPG)

46.8K 1K 60
                                    


Epilogue na lang at tapos na ang story na ito. Thank you all for reading! :))

I have new books coming out this month if you want to check them out: 

Mutual Pleasure (erotic romance)

Nang Ma-in Love si Kira, ang Munting Maldita (young adult)





HALEY felt numbed. Nagkusa yata ang kanyang katawan na maging manhid upang hindi siya malunod sa matinding emosyong animo'y bigla na lang ibinagsak sa kanya. Ni hindi niya namalayang nagpaalam na pala si Duncan at mag-isa na lamang siya sa kanyang mesa. Parang bato pa rin ang pakiramdam niyang lumabas ng bar.

Hindi pa siya nakakarating sa kanyang cottage ay tinawagan na niya ang ina. Noong una at itinatwa nito ang mga sinabi ni Duncan ngunit nang maramdaman yata nito ang galit niya ay umamin din ito.

"I did it for you! To protect you!" dahilan nito.

"Is that so?" luhaang bulalas niya. "Itatapon niyo ako sa kalye—"

"Dios mio! Did you really believe that I would do that to you? Nagsinungaling lang ako sa kanya. Ang kapakanan mo ang inisip ko noon kaya kita inilayo sa hampas-lupang iyon, Haley!"

"I don't know what to believe anymore!" pumipiyok ang boses na sabi niya. "Ang tagal kong nabuhay sa dilim dahil sa galit, tapos ay malalaman kong kayo pala ang sanhi niyon?"

"Mas nanaisin ko pang makita kang nabubuhay sa dilim kaysa naghihirap ka sa piling ng lalaking 'yun!"

"Mommy, how could you even know kung ano ang magiging kinabukasan ko sa kanya?"

"Dahil wala kang maaasahan sa mga taong kagaya niya! And I'm warning you now, Haley, huwag kang makikipagbalikan sa lalaking 'yan—"

"You can't control me anymore," madiing sabi niya. "Gagawin ko ang sa tingin ko ay magpapaligaya sa akin, and no one- not even you can stop me."

Narinig niya ang pagtangis ng ina sa kabilang linya. "Wait for me there, anak. Let's talk."

"Mommy, please... I love you. I will always do, no matter what. At pinapatawad ko na kayo sa mga nagawa niyo. And I'm so sorry because I can't live in the dark with you anymore. Gusto ko nang sumaya."

"A-anak..." Lumakas ang iyak nito.

"J-just go to Paris for your dream birthday," aniya dito. "Go there and choose to be happy. Now, let me have my dream— ang pangarap kong manirahan sa isang bahay sa tabi ng dagat, kasama ang lalaking mahal ko. And, let me live my life now, Mom, and please live yours, too. Huwag na tayong mabuhay pa sa galit."

Magdamag siyang halos umiyak. Pinakawalan niya lahat ng sama ng loob na umalipin sa kanya ng maraming taon, pinalaya niya ang sarili mula sa kalungkutan. Sumisikat na ang araw nang dalawin siya ng antok. At alam niyang gaya ng pagsikat ng araw ay makakakita na muli siya ng liwanag, makakaramdam na muli siya ng init. Makakapag-umpisa na siyang mabuhay muli.




NAGULAT si Dixon isang hapon nang tawagan siya ni Haley. Puno ng antisipasyon niyang sinagot ang kanyang cellphone.

"Anong oras ka lalabas?" Iyon agad ang bungad sa kanya ng dalaga.

"After five. Why?"

"I-I just wanna see you today kung pupuwede ka sana, kung hindi magiging istorbo sa iyo."

Old Flames (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon