Chapter 3

34.6K 925 20
                                    


NATUWA si Haley nang sumama ang kanyang ina sa mga amiga nito para mag-tour sa China, Hong Kong at Macau. Isinasama siya nito ngunit matigas siyang umayaw, idinahilan lamang niyang nakarating na siya sa mga lugar na iyon at mabu-bore lamang siyang ang makakasama niya sa biyahe ay mga matatanda.

Halos two weeks ding mawawala ang kanyang mommy kaya magkakaroon na sila ni Dixon ng mas malayang mga oras upang magkita. Ngayon pa lamang ay hindi na siya magkamayaw sa matinding excitement.

Pagkaalis na pagkaalis ng ina ay nag-text agad siya kay Dixon na nasa trabaho pa. Tinawagan naman siya nito sa lunchbreak nito at nagkasundo silang magkikita mamayang gabi at manonood ng sine.

Hindi pa rin niya ito pinayagang susunduin siya sa mismong tirahan niya. Nangangamba kasi siyang may magsumbong sa kanyang mommy. Wala siyang problema sa kanilang mga kasambahay at driver. Kampi ang mga ito sa kanya at madali niyang mapapakiusapan ang mga ito. Gayundin ang mga guards ng village, mababait ang mga ito sa kanya dahil maganda ang pakikisama niya. Ang pinangangambahan niya ay ang mga tsismosang housemaids ng kapitbahay nila. Mahilig magkalat ng mga balita ang mga iyon ayun na rin sa isang kasambahay nila. Kahit may isa lamang sa mga iyon na makakita sa kanyang may kasamang lalaki ay alam niyang mabilis na kakalat ang balita sa village.

Mabilis siyang kumain ng hapunan nang gabing iyon saka nagpahatid sa mall sa kanilang family driver. Nasa entrada na niyon si Dixon at nakangiting naghihintay sa kanya. Inilahad nito ang palad pagkalapit niya dito at hinayaan niya itong hawak ang kanyang kamay habang naglalakad sila patungo sa sinehan ng malaking mall.

She was so happy. Hindi niya inakalang ganito pala ang pakiramdam ng naglalakad kasabay ang lalaking hinihintay niya buong buhay niya. Ayaw niyang magmadali ngunit hindi na niya maikakaila pa ang nararamdaman. And she found no reason to deny it either.

It was love. And Dixon was the man from her fairy tales that was destined for her.

Isang romantic comedy ang gusto niyang panoorin na pinagbigyan naman ni Dixon, kahit pa nararamdaman niyang ang gusto talaga nitong panoorin ay ang isang reboot ng isang sci-fi movie mula noong dekada nobenta. Gusto niyang matuwa sa ginawa nitong iyon ngunit ayaw niya namang ini-spoil siya nito. She also wanted to please him. Sa susunod na lumabas sila ay yayayain niya itong panoorin ang sci-fi movie na iyon.

Mahahalatang hindi sa pinapanood nilang pelikula nakatuon ang atensiyon ni Dixon kundi sa kanya. Manaka-nakang nahuhuli niya itong nakatingin lamang sa kanyang mukha at magkakangitian sila pag nagtatama ang kanilang mga mata. Lakas-loob niyang hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa armrest ng upuan. Napaigtad naman siya nang itaas nito ang kamay niya at halikan ang likod ng kanyang palad.

He was sweet. And she was already falling for him harder and deeper.

Pagkatapos nilang nanood ng sine ay naglakad-lakad sila sa sidewalk habang kumakain ng ice cream na nasa cone. Nang bigla siyang hawakan sa braso ni Dixon at patigilin sa paglalakad. Nagtataka siyang napatingin dito. At lalo pang gumuwapo ang binata sa ilalim ng street lamp.

"What?" nakangiti niyang sita dito.

"Dito tayo unang nagkakilala," nakangiti ring tugon ni Dixon.

Tumingin siya sa palibot ng kanilang inaapakan. "Oh, yes, I remember! Paano ko namang makakalimutan ang araw na iyon," nagagalak na sabi niya. "Almost two weeks na rin pala ang nakalipas."

"And I've been thinking about you, Haley," masuyo nitong sabi at tumingin sa kanyang mukha. "It's crazy but I really can't stop thinking about you."

Old Flames (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon