PAGKARINIG ni Haley ng boses ng pinsang si Vernon mula sa salas ng kanilang bahay ay dali-dali siyang bumaba roon. Tinawagan niya ito kanina at pinilit na tulungan siyang makalabas ng bahay upang makipagkita kay Dixon. Kung hindi pa niya ito iniyakan ay alam niyang hindi niya ito mapapapayag sa gusto niyang mangyari.
"Saan kayo pupunta ni Haley?" narinig niyang maawtoridad na tanong ng kanyang ina kay Vernon habang pababa siya ng hagdan.
"Manonood lang ng sine, Tita," tugon naman ni Vernon dito.
"Anong panonoorin niyo?" may dudang tanong pa rin ng biyuda.
"'Yung movie ni Ashton Kutcher, romantic comedy, nakalimutan ko ang title," sagot dito ni Vernon.
Nang makalapit siya sa mga ito ay dudang tumingin sa kanya ang mommy niya.
"S-sandali lang kami, Mommy," sabi niya dito. "Pagkatapos ng movie ay uuwi rin kami."
"Anong sasakyan niyo—"
"Naka-kotse ako ngayon, Tita. Relax, hinding-hindi ko iaangkas sa motor ko ang anak niyo," mabilis na putol ni Vernon sa tanong ng mommy niya.
Laking tuwa niya nang pinayagan siyang lumabas ng kanyang ina. Sa kotse naman ni Vernon ay nagtatalak ang pinsan.
"Gaga ka talaga, Haley! Pati ako dinadamay mo sa kahibangan mo sa Dixon na 'yan. Pag tayo nabuking—"
"Please, Vernon, sabi ko na sa iyong hindi ito kahibangan, 'di ba?" putol niya sa litanya nito.
"Bakit kasi hindi muna kayo maghiwalay tapos magbalikan uli pag lumamig na ang ulo ni Tita?" suhestiyon pa nito.
"Ilang beses na niyang sinabi sa akin na ayaw niya kay Dixon at hindi siya papayag na pakasal ako sa kanya. Vernon, I don't wanna lose him. I-I can't, hindi ko kaya." Nabasag na ang boses niya.
Ilang gabi na siyang iyak nang iyak at namamaos na rin ang boses niya. Hindi siya kuntentong sa text lang makausap ni Dixon dahil ito mismo ang nangangambang baka marinig siya ng kanyang mommy kung kakausapin niya ang nobyo sa cellphone.
"Ilang araw ko lang siyang hindi nakikita ay halos mabaliw-baliw na ako." Tumulo na ang mga luha niya.
"Fine, fine," sumusukong sabi ni Vernon. "I'll take you to him. Huwag ka nang umiyak diyan."
Pagkababa niya sa kotse ni Vernon ay patakbo niyang nilapitan si Dixon na naghihintay sa harapan ng mall sa hapong iyon. Buong-higpit niya itong niyakap at pinaghahalikan sa buong mukha. Wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid.
"Wala bang nakasunod sa inyo?" dudang tanong ni Dixon sa kanya nang akayin siya paloob ng mall. Sarcastic itong tumawa. "Baka mamaya, may private detective palang nakasunod sa atin dito."
"Wala sa tingin ko. My mom believed my lies. Ilang araw na akong hindi lumalabas ng bahay gaya ng bilin niya."
Sa isang restaurant sa loob ng mall sila tumuloy. Magkahawak ang mga kamay nila sa ibabaw ng mesa habang naghihintay ng order.
"Ano na'ng gagawin natin, Haley?" may pangambang tanong ni Dixon.
"We can't keep hiding like this forever. Nahihirapan ako para sa iyo."
"H-hindi ko alam."
He sighed as he pressed her hand harder. Ngumiti naman siya nang malamlam.
"Itanan mo na lang kaya ako? Let's get married, have a baby. Baka sa ganoong paraan ay matututunan tayong tanggapin ni Mommy. Lalo na pag malalaman niyang magkakaapo na siya."
BINABASA MO ANG
Old Flames (COMPLETE)
RomancePublished under PHR in 2012. Mild SPG scenes. My first attempt in drama. Charot. Haha! Kung kilala ninyo ang playboy na si Duncan, this is the story of his twin brother Dixon. Spin-off ito ng Dreams of Passion: Duncan and Melina. Enjoy reading! ^_^