KINAKAUSAP ni Dixon si Mary Lucille Vergara sa telepono at taos-pusong hiningi ang kamay ni Haley mula dito. Noong isang araw pa nag-propose ng kasal sa kanya ang binata. He did it spontaneously, just out of nowhere, habang naglalakad sila sa tabi ng dagat, kaya naman bukas pa raw ito makakabili ng engagement ring.
Matagal ding nag-usap si Dixon at Lucille at batid ni Haley na nagkapatawaran na rin ang mga ito. Narinig din niya ang pangako ni Dixon sa kanyang ina. "I am giving you my word that I will take care of your daughter and I will love her even beyond my last breath."
"She sounded so happy," sabi sa kanya ni Dixon nang matapos ang phone call. "Hindi lang masaya para sa ating dalawa kundi masasabi ko talagang masaya rin siya para sa sarili niya."
"Dahil nagtagpo na muli sila ng first love niya," nakangiting sabi niya.
Naikuwento na niya kay Dixon ang tungkol kay Edgardo Gualvez. At nagkita nga ito at ang kanyang ina sa Paris, sa Eiffel Tower sa mismong araw ng kaarawan ng mga ito. Kuwento sa kanya ng Mommy niya sa telepono ay halos wala nang salitang namagitan pa dito at kay Edgardo. They both cried as they reached for each other and hugged tightly. Hindi na siya magtataka kung mabibigyan ng pangalawang pagkakataon ang pag-iibigan ng mga ito. Lalo na ngayo't extended daw ang pag-stay ng mga ito sa France.
"I think my Mom had really mellowed down. Masyado na siyang matanda para magalit pa," tumatawang sabi niya.
"Amazing how long it took them to meet again," ani Dixon. "Pero may takdang panahon talaga ang lahat, minsan ay may mga bagay na hindi natin puwedeng ipilit dahil mali ang pagkakataon. But when the right time comes, everything will just fall into place."
She stretched out her legs mula sa kinahihigaang lounge chair sa patio, naroroon sila ni Dixon at ini-enjoy ang banayad na sikat ng araw sa umaga.
"But come to think of it, kung hindi naghiwalay noon ang Mommy mo at si Edgardo ay hindi ka maisisilang sa mundo," sabi pa ni Dixon. Tumagilid ito sa pagkakahiga sa katabi niyang lounge chair at tumingin sa kanya. "Wala ka sana ngayon sa piling ko, Haley."
Maaliwalas siyang ngumiti, gaya ng bagong-sikat na araw. "At siguro ay nakatakda talaga tayong magkakilala, maghiwalay at magkitang muli upang mabigyan uli silang dalawa ng pagkakataong magkita."
"Right. They met again in their dream birthday place like how we met in our dream house." Nakangiti itong umiling-iling. "Isn't it astounding how fate works? All the twists and turns?"
"And it has its own strange but wonderful ways to work things out in the end."
"Yes, but it only offers us nothing but chances, choices. Nasa sa atin na kung ano ang gusto nating piliin sa huli."
"And we chose to be together again and be happy." Tumayo siya at lumipat ng puwesto sa kinaroroonang lounge chair ng nobyo. "At kung kinakailangan kong pagdaanan muli ang lahat-lahat ng sakit ay gagawin ko, basta sa huli ay naroroon kang naghihintay sa akin, Dixon." Isiniksik niya ang sarili sa tabi nito at niyakap naman siya nang buong higpit. "Handa na ako sa lahat ng puwedeng mangyari sa atin. I'm not afraid anymore, I'm even ready to get hurt again if ever na hihingiin ng pagkakataong magkahiwalay tayo uli. Dahil alam ko nang sa iyo at sa iyo lamang ako babalik. You will always be my happy ending, Dixon."
"And you are mine," ika nito saka siya hinalikan sa mga labi. Hinaplos siya nito sa mukha nang maghiwalay ang mga bibig nila. "Hinding-hindi na tayo maghihiwalay pa," sabi nitong punong-puno ng pangako.
The End
Thank you po sa mga bumasa ng Old Flames! ^_^ You can join my readers group in Facebook: LEENIONS.
BINABASA MO ANG
Old Flames (COMPLETE)
RomancePublished under PHR in 2012. Mild SPG scenes. My first attempt in drama. Charot. Haha! Kung kilala ninyo ang playboy na si Duncan, this is the story of his twin brother Dixon. Spin-off ito ng Dreams of Passion: Duncan and Melina. Enjoy reading! ^_^