SPG under PHR level. Hehe!
SA kabila ng kalasingan ay saglit lamang ang pagtulog ni Haley nang gabing iyon. Hindi na siya nadalaw ng antok nang siya ay magising ng pasado alas-singko ng umaga. Nagpasya siyang bumangon na at nag-shower. Lumabas siya ng cottage at nagpunta sa coffee shop sa lobby ng hotel ng Escape na bukas nang beinte-kuwatro oras. Hawak ang styro-cup ng isang umuusok na hot mocha ay naupo siya sa buhanginan sa harap ng dagat. Nang maubos niya ang kape ay naghanap siya ng trash can sa beach at itinapon iyon doon. Hindi muna siya bumalik sa kanyang cottage bagkus ay naglakad-lakad siya sa gilid ng dagat.
Malalalim ang kanyang mga paghinga. The morning sea air was cool and clean. Ibang-iba sa hangin sa Florida. She wouldn't mind living here at all. Gusto niya ang katahimikan ng lugar, malayo sa ingay ng lungsod. Maunlad na bayan ang Rosario ngunit napapanatili pa rin doon ang pagka-laid back ng lugar.
Ngunit kung dito siya titira ay hindi maiiwasang magsalubong na naman ang landas nila ni Dixon dahil nasa iisang barangay sila.
Napasapo siya sa sariling noo. Kung bakit parang nagbibiro yata ang tadhana sa kanya. Tahimik na nga ang kanyang buhay...
Nang iangat niya ang mukha ay hindi niya napigil ang mapatawa nang mapait nang maaninag kung sino ang natanaw sa kanyang harapan, galing ito sa eskinitang naglalandas patungo sa dagat at pihong ang direksiyong tinatahak din niya yata ang ruta nito ngunit naglakad ito pasalubong sa kanya nang siya ay makita roon.
Iyan na nga ba ang sinasabi ko.
Gusto niyang umiwas ngunit hindi niya ginawa. O, ayaw lamang niyang gawin. She was drawn to this man like she always had. Helpless and inevitable.
"Good morning," bati sa kanya ni Dixon nang limang metro na lamang ang pagitan nila. Nakasuot pa ito ng gray and black striped pyjamas at white V-neck shirt, naka-tsinelas. He looked so fresh and gorgeous in the morning that it was taking her breath away. Pinigil niya ang mapalunok nang magawi sa bibig nito ang paningin niya. That same sensual mouth that she shared burning kisses with just last night. Walang init siyang naramdaman noon kapag hinahalikan siya ni Desmond. Even when she kissed Cole, everything was bland to her senses. Akala nga niya dati ay naging frigid na siya. Until last night. Napatunayan niya sa sariling kaya pa rin niyang magningas. At si Dixon lamang ang may kapangyarihang bigyan siya ng ganoong uri ng init.
"'Morning," bati niya pabalik sa lalaki.
"Ganito ka ba kaaga nagigising?" usisa pa nito.
"Not really. Ikaw, maaga ka rin yatang nagising?"
"Hindi ako makatulog."
Iniiwas niya ang mga mata mula sa maiinit na tingin nito. Ayaw na niyang madarang at magpadala sa init na dulot niyon kagaya kagabi.
Ipokrita! sigaw sa kanya ng isipan. Ginusto niya ang nangyari kagabi. In fact, she was left hanging and aching when they had to break their contact. Nag-aapoy pa rin ang pagnanasa niya sa lalaking ito, kagaya ng dati. Hindi pala, dahil mas matindi na ang nadarama niyang init para dito ngayon.
"Can I take a walk with you?"
Ibinalik niya sa mukha nito ang tingin niya. Ayaw niyang tumanggi dito. "Sure."
Sabay silang naglakad sa buhanginan. Kapwa lamang sila tahimik at nakikinig sa tunog ng mga alon sa dagat at sa mga huni ng ibon sa paligid. Nakapagtataka, dahil sa kabila ng hindi komportableng pakiramdam na naglalakad muli siya sa tabi ng dating nobyo ay nangingibabaw pa rin ang kaligayahan at kapayapaan ng kanyang loob na siyang nararamdaman niya noon sa mga sandaling kagaya ganito. She always loved walking beside him. And walking with him in a beach in a beautiful morning was such a wonderful moment. It was very romantic.
BINABASA MO ANG
Old Flames (COMPLETE)
RomancePublished under PHR in 2012. Mild SPG scenes. My first attempt in drama. Charot. Haha! Kung kilala ninyo ang playboy na si Duncan, this is the story of his twin brother Dixon. Spin-off ito ng Dreams of Passion: Duncan and Melina. Enjoy reading! ^_^