WEARING red pumps with three-inch heels, skinny worn out capri denims and little red shirt that fitted her upper body, Haley Dane Vergara walked out the shoe store with grace. Matangkad siya sa karaniwang Pinay sa kanyang taas na limang talampakan at pitong pulgada. Slender ang hubog ng kanyang katawan. Halos lahat ng kanyang features ay namana niya mula sa kanyang inang si Mary Lucille Afable vda de Vergara na may lahing Espanyol at Intsik. Although her facial features didn't scream of perfect beauty, she possessed this pair of beautiful light brown eyes that shone brighter whenever she smiled. Dahil doon ay nagtataglay siya ng nakakahalinang ganda.
Isa pang nakakadagdag sa kanyang magandang aura ay ang pagiging positibo at masayahin niyang tao. And, why not? Lumaki siya sa ginhawa at sunod lahat ng luho. Kinaiinggitan siya ng ibang mga babae at pinaliligiran siya ng maraming manliligaw. Yes, getting the attention of the opposite sex was always easy on her. Ngunit wala pa siyang nakikilalang lalaki na sa palagay niya ay magmamahal sa kanya nang wagas. Natutuwa naman ang kanyang ina sa kanyang hindi pakikipag-ugnayan sa kahit na sinong mga kalahi ni Adan. Nararapat lamang daw na pumili siya ng tamang magiging asawa niya balang-araw.
Istrikto ang kanyang ina. Kinikilala nitong maigi ang mga kaibigan niya at hindi siya basta-basta nito pinakisasalamuha sa mga ibang tao. Naniniwala siyang protective lamang ito sa kanya dahil ayaw siya nitong mapahamak sa labas gaya ng kanyang ama. Namatay ang Daddy niya dahil binaril at pinagnakawan ito isang araw na kagagaling nito sa bangko. Hindi na niya ito nagisnan pa dahil ipinagdadalang-tao pa lamang siya noong mga panahong iyon. Hindi na muling nag-asawa pa ang Mommy niya at alam niya kung bakit, naniniwala siyang kasamang nabaon sa hukay ng kanyang Daddy ang puso nito. Like those tragic endings in romantic movies, her parents were separated during death but she believed that their love for each other still binded them for eternity.
She wanted to know more about her parents' romance ngunit tila iniiwasan ng kanyang ina ang magkuwento ng tungkol doon. Siguro'y lubhang nalulungkot lamang ito sa pagkawala ng asawa at naging defense/coping mechanism nito ang hindi masyadong pagkukuwento. Idagdag na rin ang pagiging istrikto at masungit nito. Ang sabi kasi ng panganay na kapatid ng kanyang inang si Uncle Bien ay hindi naman daw ito dating ganoon. Mana nga raw siya dito, masayahin at puno ng buhay.
Uh, well, losing a loved one could really change everything...
Iwinaglit niya ang malungkot na kapalaran ng ina sa pag-ibig at ngumiti na lamang siya sa isiping pag-ibig at pag-aasawa. Kahit kailan talaga ay isa siyang romantikong tao. Noong bata pa siya ay nabasa na niya yata lahat ng mga fairy tales na kuwento. At lumaki siyang nagbabasa at nanonood ng mga kuwentong romansa. At panay lovesongs ang laman ng kanyang cellphone at iPod.
Naniniwala siyang isang araw ay makikilala din niya ang lalaking kanyang iibigin. Yes, she believed that cliché, that everybody has a special someone out there. And that fate would bring them together one day and they would live happily ever after.
At hindi niya inaasahang ang araw na iyon ay darating na sa mga sandaling ito. At mula dito at magbabago na ang kanyang buhay...
Kasalukuyan siyang naglalakad sa sidewalk, bitbit ang carryall bag niyang Burberry sa isang kamay at sa kabilang kamay naman ay ang tatlong paperbags ng kanyang mga pinamili sa isang mamahaling boutique nang napatili siya dahil mayroong biglang humablot sa kanyang handbag. Sa gitna ng magkahalong gulat at pagkataranta ay na-realized niyang isa siyang biktima ng snatcher na mabilis na tumatakbong palayo.
Hindi pa tuluyang nakakalayo mula sa kanya ang magnanakaw nang may isang matangkad na lalaking sumalubong ng sapak dito. Paupong bumagsak ang snatcher sa sidewalk at pilit na inagaw ng lalaking nanapak mula dito ang kanyang Burberry. Doon na siya natauhan at patakbo siyang lumapit sa mga ito at nang nagkatinginan sila ng lalaking sumaklolo sa kanya ay mabilis namang nakatayo ang snatcher at tumalilis palayo.
BINABASA MO ANG
Old Flames (COMPLETE)
RomancePublished under PHR in 2012. Mild SPG scenes. My first attempt in drama. Charot. Haha! Kung kilala ninyo ang playboy na si Duncan, this is the story of his twin brother Dixon. Spin-off ito ng Dreams of Passion: Duncan and Melina. Enjoy reading! ^_^