PUTING kisame ang unang nasilayan ng paningin ni Haley nang idilat niya ang kanyang mga mata.
"D-dixon," kusang namutawi mula sa kanyang nanunuyong bibig.
"Hanggang ngayon pa ba'y siya pa rin ang unang iniisip mo?" narinig niyang sabi ng kanyang ina. May halong pait at galit ang boses nito.
Nagpaling siya ng tingin dito. Nakaupo ito sa isang silya sa tabi ng hospital bed na kinahihigaan niya. Hula niya'y nasa isang private room siya ng isang ospital.
Humawak ang kanyang ina sa kamay niya, bahagyang lumambot ang anyo nito. "How are you feeling, anak? Akala ko ay matatagalan ka pang magising. You've been here since last night. Kanina ka lang nilipat sa room na ito mula sa ICU. Ang sabi ng doktor kanina ay anumang oras daw ay gigising ka ngayon dahil ligtas ka na sa panganib."
"Where is he? N-nasaan si Dixon, Mommy?"
"God damn it, Haley!" galit na palatak ng ina sabay bitaw sa kanyang kamay. "Siya ang dahilan kung bakit ka nandirito ngayon, kung bakit nanganib ang buhay mo!"
"It was an accident," pagtatanggol niya kay Dixon. Naalala niyang may mga naghahabulan sa eskinitang kinaroroonan niya at nagkaputukan. Next thing she knew, something hit her in her right side. At nang hawakan niya iyon ay umagos ang dugo. In the midst of the sudden strike of excruciating pain and nausea, she managed to think that maybe a stray bullet had caught her. At huli niyang nasilayan ang mukha ni Dixon bago siya pinanawan ng malay-tao.
"Walang kasalanan si Dixon, ako ang tumakas sa 'yo, Mommy. Ako ang nakipagkita sa kanya sa lugar na iyon."
"Hindi pa rin ako makapaniwalang magagawa mo iyan sa akin, Haley. Dios mio! Y-you left me for that bastard? How could you do that to me? I am your mother. Your mother who gave you life!" hinanakit nito.
"I'm sorry but you didn't give me any choice!" lumuluhang dahilan naman niya. "I told you so many times that I love him. Bakit ang hirap-hirap niyong umintindi?"
"Well, 'guess what I found out?" mapaklang sabi nito. "He doesn't love you that much, Haley. Not in the way that you thought."
"That's not true!" protesta niya.
"Ibinalik ka niya sa akin."
Hindi siya agad nakapagsalita. "I-i don't believe you," usal niya makaraan ang ilang saglit.
"Open your eyes, Haley Dane!" bulalas ng ina. "What you two had shared was just a fleeting fancy. Lilipas din 'yan, gaya ng inaasahan ko. Mas nauna nga lamang bumitaw si Dixon. What happened to you served him as a wake-up call, a reality check. Hindi niya kayang manindigan para sa iyo dahil hindi malalim ang nararamdaman niya para sa iyo."
"Hindi," tanggi pa rin niya.
Hindi siya mahal ni Dixon na gaya ng inaasahan niya? Ibinalik siya nito sa kanyang ina sa oras na nanganib ang kanyang buhay? Hindi niya maiisip na magagawa iyon ni Dixon. Hindi maaari. He loved her and she knew it. At gusto niya pa ring hawakan ang pangako ng pag-ibig nito.
"Bakit wala siya dito ngayon sa tabi mo?" matigas na hamon ng ina.
Magsasalita pa sana siya nang pumasok naman doon ang doktor kasama ang isang nurse.
TATLONG araw nang nakalabas sa ospital si Haley ay hindi pa rin nagpaparamdam sa kanya si Dixon. Mukhang tama nga yata ang kanyang ina sa mga sinabi nito, ngunit magkagayunpaman ay matigas ang kanyang paniniwala.
BINABASA MO ANG
Old Flames (COMPLETE)
RomancePublished under PHR in 2012. Mild SPG scenes. My first attempt in drama. Charot. Haha! Kung kilala ninyo ang playboy na si Duncan, this is the story of his twin brother Dixon. Spin-off ito ng Dreams of Passion: Duncan and Melina. Enjoy reading! ^_^