Chapter 16

35.6K 908 50
                                    



BAGAMA'T nagulat ay hindi na nagtaka pa si Haley kung paano nahanap ni Dixon ang kinaroroonan niyang beach cottage sa Escape. May koneksiyon ito marahil sa management doon dahil nakita niyang nagtatrabaho ang kakambal nitong si Duncan sa bar ng resort.

Pinapanhik niya ito sa veranda. "Anong kailangan mo?" sita niya agad dito pagkaupo nito sa bench doon.

"I want us to talk."

Nanatili siyang nakatayo. "You mean, about what happened yesterday?"

"About everything, Haley."

Humalukipkip siya't sumandal sa balustreng yari sa kawayan. "Matagal mo nang tinapos sa atin ang lahat. Kailangan ko pa bang ipaalala sa iyo kung paano mo ako binitiwan noon?"

Nakitaan niya ng pait ang mukha nito. Pinilit niya namang huwag magpaapekto. For God's sake! Nagpadala na siya sa mga halik nito't nauwi sila sa mainit na pagtatalik sa hardin. Hanggang doon na lamang ang papayagan niyang mangyari sa kanilang dalawa.

"I had to do it. Gusto ko mang magsisi ay iyon ang tamang desisyon ko noon."

"Tamang desisyon na ibalik ako sa Mommy ko dahil hindi mo ako kayang ipaglaban?"

Parang may gusto itong sabihin ngunit nag-aalangan ito.

"Siguro nga ay nakatakda talaga tayong magkita dito, Dixon. Para magkaharap muli tayo. Para ipamukha ko sa iyo kung gaano pa rin kasakit sa akin ang ginawa mo noon. You almost ruined my life!" sumbat niya dito.

Tumayo ito. "Hindi lamang ikaw ang nahirapan noon."

"Wala kang pupuwedeng isumbat sa akin. Nagpakatanga at nagpakabulag ako sa iyo noon. I chose you over my mother! For God's sake, tinalikuran ko ang sarili kong ina upang makipagtanan sa iyo. Handa akong makipagsapalaran— maghirap para lamang makasama mo habangbuhay. Sa huli pala'y ikaw itong susuko?"

"At nang dahil doon kaya ka napahamak." Ihinilamos nito ang dalawang palad sa mukha. "Haley, mahal nga natin noon ang isa't-isa but we have to admit that we were being reckless!"

"Reckless. Kagaya ng sabi mo noon na isang kahibangan lamang ang mahalin ako?" Pinigil niya ang umiyak. Damn it, she should not be that soft anymore. Dapat ay pinatigas na siya ng mahabang panahong lumipas.

Magsasalita pa sana ito nang mamataan nilang palapit sa cottage si Cole. May dala itong mga pagkain na binili nito upang pagsaluhan nila sa hapunang iyon.

"My boyfriend's here, if you don't mind, gusto na kitang umalis," pagtataboy niya kay Dixon sa boses na sinikap niyang pinatigas.

"I won't give up, Haley," matigas ding sabi nito. "I let you go once and I'm not going to do it again."

"Leave!" bulyaw niya dito.

Wala siyang imik nang pumanhik si Cole sa veranda at ilapag ang mga pagkain sa mesa roon.

Nang hindi nakatiis ay nagtanong na ito. "Am I missing something?"

Umiling siya't nag-umpisang kumain.

"He wants you back, I can tell by the way he looks at you," pagkuwa'y sabi uli ni Cole.

Sumimangot siya. "Well, he can't. Too bad."

Tumawa ang kaibigan. "Haley, why are you being so cruel to yourself?"

"Ayoko nang masaktan, Cole. I've been there before and I hated it."

Malamlam itong ngumiti. "You know what, it's girls like you that's making me avoid love. Ayokong makasakit ng damdamin ng mga babae so I chose to remain unattached. But you know what I realized from what you told me the other night? Sometimes, people has to make painful choices because it is the right thing to do."

Old Flames (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon