HINDI pa rin makapaniwala si Duncan nang ipakilala dito ni Dixon si Melina bilang date niya nang gabing iyon na nagpunta sila sa bar ng Escape. Natuwa naman para sa kanya ang pinsang si Thomas, pati na ang misis nitong si Carlee.
"I told you they're gonna expect too much," sabi niya sa dalaga nang magkasama silang mag-almusal kinaumagahan sa isang fastfood. "Kinukulit na ako ni Thomas kung kelan ang kasal, I'm sure, pati na parents ko ay susunod na mangungulit."
"Grabe naman ang pamilya mo, mas assuming pa pala kesa sa akin." Tumawa si Melina. "You know I'm not expecting too much," pagkuwa'y seryosong sabi nito. "Masaya na akong pinagbigyan mo akong maka-date ka, kung ano ang kalalabasan nito ay maluwag kong tatanggapin."
"You're a wonderful woman, Melina," aniya. "And I like you, too. Who knows, marami pa namang puwedeng mangyari, hindi ba?"
Pagkatapos nilang mag-agahan ay ihinatid na niya ito sa mall kung saan naroroon ang boutique na pag-aari nito. Siya naman ay nakatuwaang libutin ang Rosario nang umagang iyon. He liked driving around in the coastal road. Hanggang sa may mamataan siyang malaking sign na nakakabit sa puting gate ng magandang bahay na nasa tabi ng dagat. He had always admired the architecture of the house, it was simple yet warm and very inviting. Lalo na ang hardin ng mga rosas sa harapan niyon na namumukadkad ang mga bulaklak sa ilalim ng sinag ng araw nang umagang iyon. Napakagandang bahay kahit hindi masyadong malaki at magarbo. Wala rin iyong malapit na mga kapitbahay. It was very private. Lagi siyang napapatingin doon sa tuwing nadaraanan niya kung nagmamaneho siya paikot sa bayan ng Rosario.
It was his dream house. And now, the house was for sale. Abot-kamay na niya ito.
Nang matanaw niya mula sa side mirror ng kotse na may isang babaeng lumabas mula sa front door ng bahay ay dali-dali niyang ibinalik ang kotse at huminto sa harapan niyon.
"Nasa Cebu ang may-ari at ako ang kanyang representative," balita sa kanya ni Donna, ang babaeng caretaker na sa kanyang tingin ay kaedad niya nang sabihin niya dito ang alok na pamimili ng bahay.
Inilibot siya nito sa loob at labas ng beach house. Three bedrooms iyon, malaki ang master bedroom at may walk-in closet pa. Malaki din ang master bathroom at fully-furnished ang magandang kitchen. May malawak itong patio sa likod na nakaharap sa dagat.
Ngunit hindi niya kayang i-cash ang buong halaga ng bahay, masyadong malaki iyon. Isa pa, kabibili lamang niya ng kotse kaya hindi na gaanong malaki ang natira sa savings niya.
Nagpalitan sila ni Donna ng calling card bago siya nagpaalam, baon ang matinding determinasyong mapasakanya ang beach house na iyon.
Nang tanghaling iyon ay niyaya siyang lumabas ni Duncan kasama si Thomas na nagpaiwan naman ang misis sa bahay. Manlilibre daw ang kakambal niya ng lunch dahil tanggap na ito sa trabaho sa bar ng Escape.
"Saan ka na titira niyan?" tanong niya dito.
"Saan pa, 'e di sa bahay mo," sagot ni Duncan.
"Hindi kita gustong kasama doon! Makalat ka sa gamit. Saka baka gawin mo iyong motel gabi-gabi kasama ang mga babae mo."
"Pansamantala lang naman, may nakahanap na ako ng lilipatan, 'di hihiwalay din ako sa iyo. Kaso wala akong makitang magandang tirhan na malapit sa downtown, eh."
"Ayokong maging housemate ka, Duncan. Mababalahura mo lang ang tirahan ko."
"Ang sama mong kapatid! Isusumbong kita kay Mama," pa-OA na banat nito.
"Mas kailangan ko na palang madaliin ang pagbili ko ng bahay na iyon," usal niya. Kung mabibili niya ang bahay na iyon ay iiwanan niya kay Duncan ang nirerentahan niyang duplex. Pumirma kasi siya noong isang buwan ng bagong one year lease at nakabayad na siya ng six months advance.
BINABASA MO ANG
Old Flames (COMPLETE)
RomancePublished under PHR in 2012. Mild SPG scenes. My first attempt in drama. Charot. Haha! Kung kilala ninyo ang playboy na si Duncan, this is the story of his twin brother Dixon. Spin-off ito ng Dreams of Passion: Duncan and Melina. Enjoy reading! ^_^