Chapter 2

45.1K 1K 53
                                    


ILANG araw nang panay ang tingin ni Haley sa kanyang cellphone at wala pa rin siyang natatanggap na text o tawag mula kay Dixon. Gusto na niyang panghinaan ng loob. Did her fairytale already come to an end? Ganoon lang 'yun? Hanggang unang pagkikita lamang?

What if she calls or texts him instead? Magkukunwari siyang mali ang na-dial na number o naka-missent ng isang text message.

No, magiging obvious pa rin iyon. Ngunit ano na ang gagawin niya? Hindi niya kayang palampasin na lamang ang magandang pangyayaring iyon sa kanyang buhay. Sino ang nakakaalam kung kailan na naman siya makakaramdam ng ganoon? O, kung mararanasan pa niya iyon.

Nasapo niya ang noo. Gosh, she was really a hopeless romantic, wasn't she?

Saka siya nakangangang nag-angat ng ulo nang may biglang maalala.

My God! Baka may girlfriend na siya! Oo nga naman. Bakit ngayon lamang niya naisip ang posibilidad na iyon?

Ngunit kung taken na si Dixon, hindi ito magkakainteres sa kanya, right? C'mon! May pahiwatig ang mga tingin at ngiti nito sa kanya.

Nang kumatok sa pintuan ng kanyang kuwarto ang kanyang ina. Hindi naman ito pumasok roon nang pagbuksan niya.

"'Yung makulit na manliligaw mong si Guiller, pinauwi ko na," disgusted na sabi nito. "Dios mio! Ang lakas ng loob na manligaw, ni walang maibili ng matinong mga sapatos! O kahit man lang rugby sana na pandikit sa nakangangang suwelas ng lumang rubbershoes niya."

She rolled her eyes. "Mom, ano na namang klaseng paninindak ang ginawa niyo sa kanya?"

Si Guiller ay anak ng isa sa mga security guards sa exclusive village kung nasaan ang kanilang mansion. Madalas niya itong makitang kasama ang tatay nito sa guard house kung gabi, tagahatid ng pagkain. At tagahatid din ito ng almusal sa ama tuwing umaga kung kailan lagi sila nitong nagkikita kung nagdya-jogging siya.

"Tigil-tigilan mo kasi 'yang pagiging palakaibigan mo sa lahat. Kita mo't nagkaroon ng maling akala 'yang Guiller na 'yan sa mabuting pakikisama mo sa kanya."

"Kinakausap niya ako ng maayos, natural lang naman na sagutin ko siya nang maayos, hindi po ba? Saka baka naman hindi siya manliligaw, kayo lang itong masyadong assuming diyan."

"May dala siyang supot ng pagkain—"

"Oh!" bulalas niya. "See? I told you so, Mother! Hindi siya manliligaw. Baka 'yung luto ng nanay niyang kakanin 'yung dala-dala niya. Sabi ko kasi minsang dalhan niya ng pagkain ang father niya e mukhang masarap iyon. The he told me na minsan daw ay bibigyan niya ako para matikman ko."

"Whatever, Haley! Hindi ko gustong nakikisalamuha ka sa mga taong gaya niya, do you understand me?" puno ng awtoridad na sabi ng ina sa mataas na boses.

"But, Mommy—"

"No buts, young lady. Kung hindi ka makakapili ng magiging boyfriend mo ay ako ang pipili para sa iyo."

Muli niyang iniikot ang mga mata. "Here we go again," mahinang usal niya.

"Hindi mo pa alam kung hanggang saan ko kayang magalit, Haley," banta pa ng ina. "I gave you everything. Everything. All that I'm asking from you is to not disrespect me."

"But, I am not disrespecting you!"

Umiling-iling lamang ito hanggang sa nilisan na siya, nag-iwan ito ng nagbabantang tingin.

She always hated it kung pinapakialaman ng kanyang ina ang kanyang pakikitungo sa ibang mga tao. Nagiging masyadong matapobre na ito. Hindi ito katulad ng kanyang Uncle Bien na maluwag sa dalawang anak nitong sina Ramius at Vernon. At ano na lang kaya ang magiging reaksiyon nito kung matutuklasan nitong ang lalaking gusto niya ay hindi mayaman?

Old Flames (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon