Chapter 11

27.6K 738 42
                                    


WHERE have the times gone?

Baby it's all wrong

Where are the plans we made for two?

If happy ever after did exist

I would still be holding you like this

Marahang gumagalaw ang ulo ni Haley na sumasabay sa ritmo ng kantang iyon habang nasa passenger's seat siya ng itim na Hummer H3 ni Cole.

"All those fairytales are full of shit. One more fuckin' love song I'll be sick..." pagsabay pa niya sa lyrics.

"Whoa, whoa!" eksaheradong bulalas ni Cole na napasulyap sa kanya habang nagmamaneho ito. "Bakit parang gigil na gigil ka sa pagkanta niyan? And, what's the angst for, sweetie? Parang may pinanggagalingan, ah," tudyo pa nito sa kanya.

Napapangiti siyang tumingin dito. May isang taon na ring magkakilala sila ni Cole mula nang manirahan ito sa Miami kung nasaan ang pinakabagong branch ng chains ng Asian store na pagmamay-ari ng pamilya nito. Naging matalik sila nitong magkaibigan at madalas na magkasama sa mga lakaran. Mas enjoy siyang kasama ito kaysa sa mga maaarteng Fil-Am girls na kakilala niya sa Florida.

"What? Para kumakanta lang," aniya sa lalaki sabay irap.

"You don't like love songs, do you?"

"I used to. But well, I grew up."

"Something must have happened along the way," pang-iintriga pa ni Cole.

"B-bakit mo naman nasabi iyan?"

Nagkibit-balikat ito. "Looking in your eyes, parang nagtatago ka ng sama ng loob."

Hindi siya umimik. Nagtatago nga ba siya ng sama ng loob? Hindi ba't naka-moved on na siya sa nangyari sa kanya noon? Napakaraming taon na ang lumipas. She was already twenty-eight, matured and learned her lessons the hard way. Nang umalis siya ng Pilipinas ay iniwan na niya lahat ng puwede niyang iwanan doon dahil balak niyang magpatuloy ng buhay sa Florida. Nakabangon na siya, nakapagpatuloy na siya. Ngunit ano ito't nasasalamin pa rin pala sa mga mata niya ang sakit na naramdaman niya ilang taon na ang lumipas?

Ilang buwan siya noong nagkulong sa kanilang bahay na malapit sa beach sa Florida. Hangga't unti-unting pinilit niya ang sariling matauhan at bumangon muli. Noong sumapit siya sa gulang na beinte-singko at nagkaroon na siya ng karapatan sa yaman nilang mag-ina ay binili niya ang isang coffee shop sa beach at pinalaki iyon. Ayaw sana ng kanyang mommy na magtrabaho siya dahil hindi naman kailangan ngunit nagpumilit siya dito. Gusto niyang magkaroon ng pagkakaabalahan upang mawaglit sa sistema niya ang depresyon.

"Kailan ka pala magbabalik-bayan?" pagbabago niya ng usapan. Baka may maungkat pa tungkol sa iniwan niyang buhay sa Pilipinas. Ayaw na niyang pag-usapan pa iyon.

"This March. Birthday kasi ng paternal grandpa ko. Every year ay umuuwi ako para um-attend sa party niya. Kung hindi ay magtatampo iyon at baka burahin ang pangalan ko sa mga apo niyang pamamanahan niya." Sumulyap uli ito sa kanya. "Ikaw, wala ka na ba talaga balak umuwi sa atin?"

"Gusto ko rin sana," sabi niya sabay tingin sa labas ng bintana ng kotse at pinagmasdan ang kahabaan ng downtown Miami na nadaraanan nila.

Sa maraming taon niyang paninirahan sa US ay hindi niya rin maitatangging nangungulila siya sa Pilipinas. She missed her cousin Vernon, kahit pa ilang ulit din itong bumisita sa kanya sa Florida ay iba pa rin ang pakiramdam kung nasa Pilipinas sila nito. Isa pa ay gusto niyang mamasyal sa Pilipinas, napakarami na niyang bansang napuntahan abroad ngunit hindi pa niya nalilibot ang bansang sinilangan.

Old Flames (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon