Chapter 13

26.3K 767 42
                                    



ISANG dating kakilala? bulalas ni Dixon sa loob-loob nang makaalis na si Haley sa beach house. Ganoon lamang ang pagpapakilala ni Haley sa sarili nito kay Melina?

Bakit, ano ba ang inaasahan niya? Mabuti nga't ganoon pa ang sinabi ni Haley at hindi: I'm Dixon's ex-girlfriend, the one that he betrayed and drove away.

"Dix, are you okay?" pakli ni Melina nang mapansin nitong tanaw-tanaw pa rin niya ang papalayong si Haley.

Haley's full image was that of a ripened woman. Mas nagkaroon ng kurbada ang dating slender nitong katawan. Lumapad ang balakang nito, parang lumaki din yata ang dibdib. And with that golden tan, she looked so hot and exotic. But her prettier face... behind that confidence and intelligence, it seemed like she was masking a gloominess. At parang nagtatago ng lamig at poot ang mga dating maaliwalas na mata nito.

"Y-yeah," tugon niya kay Melina at nagpilit ngumiti.

"Bakit mo naman ako ipinakilalang girlfriend mo?" nangingiting tanong ng dalaga.

"Bakit, ayaw mo bang maging girlfriend kita?"

Hindi rin siya sigurado kung bakit ganoon ang pag-i-introduce niya kay Melina kay Haley. Siguro'y gusto lamang niyang patunayan sa dating nobya na naka-moved na siya sa kanyang buhay. Ayaw niyang maging loser sa harapan nito. Hindi niya lang alam, baka nga kasal na rin ito o kaya'y may nobyo na ring iba.

Awkward na tumawa si Melina. "Dixon, we both know the truth. You're going out with me just because you are too nice to reject me."

"It's not just that. Sinabi ko na sa iyong gusto rin kita, Melina."

"Hmn, yeah, whatever," nakangiting sabi nito.

Hinawakan niya ito sa kamay. "Halika, ililibot kita sa paligid ng bahay. You will like the patio in the back." Marahan niya itong hinila at naglakad sila sa gilid ng bahay papunta sa likod.

"So, pag nabili mo ito ay dito ka na titira agad?" tila dismayadong tanong ni Melina habang naglalakad sila.

"Oo. Kailangan ko nang lumipat dahil hindi ko kayang makasama sa iisang bubong ang kakambal ko," natatawang sagot niya.

"Maiiwan si Duncan sa duplex?"

"Yup, siya na daw ang magpapatuloy ng lease ko. He actually liked it there."

Sumimangot ito. "I don't like him to live there."

"Bakit naman?"

"I-i think... I think he's flirting with me!" nagpa-panic na palatak nito. "N-nakita ko siyang naka-topless kahapon, parang sadya niyang dini-display sa akin ang abs niya. Ugh!"

"Gago talaga 'yun. Hayaan mo, kakausapin ko siya. Saka huwag mo siyang pansinin, ganoon lang 'yun sa mga babae, laging nagpapapansin."

"Sino si Haley?" out of the blue ay biglang tanong ni Melina.

Napatigil naman siya sa paglakad. "She told you, isa siyang dating kakilala."

"Dating kapitbahay? Classmate? Katrabaho?" pangungulit pa ni Melina.

Damn, she was perspective. Nakita siguro nito kung paano niya tingnan si Haley kanina. And Melina was smart, there was no sense for him to lie to her.

"She's my ex-girlfriend," sagot niya sa pinakaswal na boses.

"I see. At anong ginagawa niya dito sa Rosario?"

"Ang sabi niya'y nagbabakasyon siya dito. At interesado din siyang bilhin ang bahay na ito."

Old Flames (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon