Chapter 5

37.1K 872 34
                                    


MAY outing ang pamilya Afable sa isang beach resort sa Batangas at tatlong araw sina Haley at roon. Niyaya silang mag-ina ng kanyang Uncle Bien at kasama naman nito ang mga anak nitong sina Vernon at Ramius. Unang araw pa lamang ay naiinip na siya roon kaya naman tinawagan niya si Dixon upang magkita sila doon. Walang abog naman itong pumayag agad.

Isang linggo na mula nang nakabalik sa bansa ang kanyang mommy at sa loob ng panahong iyon ay minsan lamang nilang nagawang magkita ni Dixon. And it was driving her crazy already. Hindi na niya gustong malayo pa sa binata sa matagal na panahon. Nasanay na yata siya sa halos gabi-gabing togetherness nila nito habang nasa ibang bansa ang kanyang ina.

"You're insane!" bulalas sa kanya ng pinsang si Vernon nang malaman nito ang balak niya. Nagpa-chaperon siya ditong umalis ng resort upang payagan siyang umalis ng kanyang ina. "Saan naman ako pupunta habang nakikipaglampungan ka diyan sa boyfriend mo?"

"E, bahala ka na. Just drive somewhere."

Gigil itong napamura.

"Sige na, please. Ngayon lang naman ako hihiling sa iyo," pamimilit naman niya dito.

"Fine! May magagawa pa ba ako. Alangan namang tanggihan kita at ilaglag kay Tita. Naku, 'yan na ba ang sinasabi ko tungkol sa shit na love na 'yan. Sakit lang 'yan sa ulo."

"Thank you!" Humagikgik siya. "Masarap kayang ma-in-love. Try mo rin minsan, nang hindi lang mga motor mo ang kapiling mo. Nagmumukha ka nang gulong," biro niya sa pinsan.

"Ugh. I'd rather ride my Ducati than have some guy riding me!" nakakalokang sabi nito na ikinatawa niya nang malakas.

Nagpaalam sila ni Vernon sa kanyang ina na magkasamang magliliwaliw sa paligid ng beach. Sakay ng kulay metallic Dakota brown Mercedez-Benz GL SUV ay ipinagmaneho nga siya ni Vernon upang puntahan ang beach cottage na kinaroroonan ni Dixon sa kabilang resort. Nagpaiwan siya sa pinsan at sinabing tatawagan na lamang niya ito kung gusto na niyang bumalik.

Sa veranda ng cottage sila nagsalubong ng katipan at agad na nagsalo sa mainit na halik. Oh, how missed him, and his hot kisses...

"I miss you," habol ang hiningang sabi ni Dixon nang maghiwalay ang mga bibig nila.

"I miss you more," madamdaming sabi naman niya at siya naman ang humalik dito.

Nanatili sila sa veranda, nagkukuwentuhan habang nakatunghay sa tubig ng payapang dagat kung saan nakasalamin ang repleksiyon ng mga nagsabog na bituin sa kalangitan. The night was calm and beautiful. It was very romantic, but it was somehow giving her the creeps. Sabi nila, there's a calm before the storm. At parang nararamdaman niya iyon ngayon.

Pinilit niyang mag-relax at iniyakap ang isang kamay sa beywang ni Dixon na nakatayo sa kanyang tabi.

"Do you like it here?" tanong sa kanya nito.

"Uh-huh," sagot niya sabay tango. "I love beaches, I always do. Lalo na 'yung house ng maternal grandparents ko sa Miami, Florida kung saan kami nag-i-stay ng mom ko pag nagbabakasyon doon. It was not exactly by the beach, pero walking distance lamang ang dagat mula roon. Oh, I love staying in there. Parang napakalapit ko sa kalikasan."

Umakbay naman ito sa kanya. "You know, I always dreamed of having a beach house. Iyong hindi lang bahay-bakasyunan, gusto kong doon tumira."

"I also want that, Dixon."

Nagpaling ito ng mukha sa kanya. "A house by the beach?"

"Yes, a white house, with a patio facing the sea and a rose garden... and of course, with you in it."

Old Flames (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon