Soonyoung's
"Bes sorry."
Nilagay ni Soonyoung ang dalawang kamay niya sa mga balikat ni Mingyu.
"Okay lang bes, nagaalala lang ako para sa'yo. Di ko alam kung anong gagawin ko pag may nangyaring masama sa bes ko." sabi ni Soonyoung na ang mukha ay para bang nag-woworry.
"Salamat hyung." ani naman ni Mingyu.
Ang pagmumukha nila'y hindi mo malaman kung seryoso ba o sadyang dramahan lamang.
Nasa dance studio sila.
Nagbabati na kasi ang mag-bes dahil sa insidenteng nakita ni Soonyoung. Mingyu started to apologize and Soonyoung was advising him things bilang nakakatandang bes.
"Sorry talaga bes." Mingyu apologizes for the nth time. Tinapik naman ni Soonyoung ang kaibigan ng pang-ilang beses na.
Isang oras na ata silang ganto.
Paulit-ulit na nagsosorry si Mingyu at paulit-ulit na nagsasabi ng okay lang si Soonyoung.
"HUY!"
Tumingin ang dalawa mula sa pintuan. Nakita nila si Minghao na para bang pikon na, isang oras na kasi sila dun, hiningi lang nila ang venue na ito para mag-usap. Eh kailangan nang gamitin yung dance studio, kaya malapit na magalit si Minghao.
"Hao! Sorry! 5 minutes! Promise! Matatapos na kami!" pakiusap ni Mingyu dito.
Napa-tsk na lang si Hao at sinarado ang pinto.
"Bes. Matanong lang pala. Since kelan niyo ginagawa yun?" tanong ni Soonyoung at siningkitan pa ang mga mata.
"Uhm. . . Dalawang linggo na hyung simula nung pinayuhan mo ko na hanapin ang right time para mahalikan ko si Woo." sabi ni Mingyu habang kinakamot ang batok.
Ay puta. Ako pala may kasalanan.
Soonyoung scrarches his head, knowing he was the one who triggered Mingyu to do this.
"Pisngi lang naman ginawa ko kay Bebeboi! Ikaw sinagad mo na!" he scolded him again.
"Sorry talaga hyung! Huhu." ani uli nito.
Mingyu frowned again. Guilty for what he did. Tumungo siya.
Soonyoung suddenly smirks, "Masarap nuh?" Soonyoung said lightening up the atmosphere.
Napatingin naman ang nakababatang bes sa kaniya at nakangiti. "O-oh? H-hyung?" Mingyu widens his eyes.
Nakukuha na kasi ni Mingyu ang mensahe, "N-nagawa niyo na?!" ani sa nakakatandang bes.
"Ako pa! Matagal na!" Soonyoung laughs a hohoho. "Congrats HYUNG! MYGAHT NAHALIKAN MO NA SI JIHOON HYUNG?!" ani uli ni Mingyu.
Soonyoung shushed Mingyu at parehas na silang tumayo.
BINABASA MO ANG
Wrong Bed Φ soonhoon
Short Story❝In which Jihoon dreamt a weird dream and woke up like this: "Is this my bed?" "S-sinong-" "What the FUCK." -Lee Jihoon. ❞ //svt otp series book #2// [ soonhoon ff ] Started: june 02, 2016 Ended: feb 12, 2017 Contains: messages | texts | calls | nar...