Timothy's POV
Napag usapan namin na magbar ngayon. Nakakamiss na din ang pag iinom ng alak. Palaging busy sa Gang Fight eh.
Papunta na kami ngayon sa Bar nila Troy. Libre daw kami eh. Sino pa ba tatanggi? Aking kotse ang ginamit namin at ako nagdadrive. Cool na cool naman yung mga ugok.
"Olle, kilala mo ba ang mga mukha ng Black Hell Gang?" tanong saken ni Vince.
"Paano ko naman makikilala yun eh sa Gang Fight nga nakamaskara sila eh." sabi ko habang nakatotok pa rin sa daan.
"Sabi nila puro babae daw mga yun." singit ni Troy.
"Makikilala din natin sila balang araw." natatawang sabi ni Red.
"Oo nga. At madami kaya ang gustong pumatay sa kanila para agawan ng posisyon nilang Rank 1." sabi ni Blake.
"Rank 1 sila tapos puro babae. Rank 2 tayo na mga lalaki. Magaling pala sila?" tanong ni Troy.
"Baka nga." sabi ko.
"Alam niyo ba totoong pangalan nila?" tanong naman ni Red.
"Malamang hindi." sabi naman ni Vince. Natawa naman si Blake sa tanong ni Red.
"Pare, bobo ka na ba o sadyang bobo kalang talaga?" natatawang sabi ni Blake.
"Ni hindi nga sila nagpapakita pagkatapos ng Gang Fight eh pakilala pa kaya. Ulol lang?" natatawa ding sabi ni Troy.
"Nagtanong lang naman ako. Dapat angbisasagot niyo ay oo o hindi lang. Bakit ang hahaba ng sagot niyo? Tanga niyo din eh." sabi naman ni Red.
"May point ka." sabi ni Vince.
Valorie's POV
Nagyaya si Shania na magbar daw kami ngayon kasi nga daw magiging nerdy look na kami bukas. Lakas talaga ng tama ng babaeng 'to. Mangiyak ngiyak na din kanina sa sinabi ni Queen dahil sayang mukha niya. Akala mo naman maganda.
"Hindi aki sasama. Kayo nalang." sabi ni Queen. Kahit talaga kailan ang hilig neto mapag isa. Siya yung tipong babaeng di mahilig sa mga inuman, gala at kahit ano paman yan. Hindi talaga niya gusto.
"Queen, kahit ngayon naman sumama ka samin. Minsan na nga lang magkayayaan eh." sabi ni Shania.
"Oo nga. KJ neto." sabi ni Kim. Natawa ako sa sinabi niya.
"KJ mo mukha mo. Ayokong uminom. At ayokong maglikot." sabi ni Queen. Grabe naman 'to 'maglikot' talaga? Ano yun maglalaro?
"Sige na Queen. Kahit ngayon lang. Please." sabi ni Miracle at nagpout pa. Akala mo naman bagay.
"Para kang soso!" sabi ni Queen at tumawa ng mahina. Tiningnan naman siya ni Miracle ng masama.
"Bitch! Tumanggi naman kami sa decision mo kanina ah. So, kami naman ngayon. Wag kang KJ dahil baka ma-home sick ka dito." natatawa kong sabi. Binato niya naman saken yung mini pillow. At tumama ito sa ulo ko.
"Okay." sabi niya at tumayo na. Nagsingisian nan kaming apat.
Third Person's POV
Nang magsidatingan na sila Sendrille sa Bar madami ang nakatingin sa kanila. At kadamihan ay mga lalaki. Hindi sila makamaskara ngayon kaya madami ang nagagandahan sa kanila.
Umupo silang lima sa isang table. At nag order ng iinumin. Tahimik lang si Sendrille habang ang mga kaibigan niya ay nagsasaya. Hindi niya talaga gusto sa mga sobrang ingay na lugar.
BINABASA MO ANG
Sendrille: The Hell Queen | ✔
ActionDaughter of the Mafia King and Queen, and the who next to be a lead in mafia clan. Together with her friends, she plan that they will need to disguised as a nerd just to hide their true identity. And a group of gangster will be an enemy, group of bo...