Valorie's POV
Nabibwiset ako sa mga kaklase ko. Ugh. Timpi lang muna ngayon. Lalo na yung Queen B na babaeng yun, akala niya matatakot ako. Hindi niya ako kilala. Kahit anong oras pwede ko siyang patumbahin. Kung di lang ako nakadisguise kahapon, nasa hospital na yung babaeng yun. Akala mo maganda! Leche.
Nandito na pala kami sa bahay. At bored na bored talaga ako sobra.
"Shania, ayos na ba? Di na makati?" tanong ni Miracle sa kanya.
"Mukha ba akong ayos? Tsk." sabi ni Shania. Galit lang?
"Bakit ka nagagalit?" tanong ni Miracle.
"Shut up." sabi ni Shania. Ang init naman ng ulo neto.
"Mall lang ako ha? Boring eh." sabi ko at tumayo.
"Sasama ako. Nagugutom ako eh." sabi ni Queen. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Unbelievable.
"Kami din." sabi ni Kim.
"Wag na. Dito nalang kayo." sabi ni Queen. Ngumuso naman sila Kim at Miracle.
"Tara na." sabi ko.
Pumunta muna kami sa mga kwarto namin at nagpalit ng damit.
Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas na kami ng bahay at sumakay na sa kotse.
Hindi kami nagdisguise. Sa mall lang naman kami eh. At kating kati daw siya sa wig. Hahahaha!
Vince's POV
Nandito kami ngayong magbabarkada sa Mall. Nagyaya kasi si Red, bibili siya ng panregalo sa kapatid niyang maliit. Oh diba? Ang bait niya noh? Sa kapatid lang. Bwiset.
Humiwalay kami ni Timothy. Pumunta kami sa ibang store.
Nahagip ng mata ko yung dalawang babae. Wait. Sila ba yung nasa bar nung gabing yun.
Tinapik ko balikat ni Timothy."Ano ba? Bakit ka na nanapik?!" daing niya.
"Diba sila yung babaeng nasa bar nila Troy." sabi ko at tinuro. Pagtingin niya dun, bigla siyang ngumiti ng malapad.
"Sabi ko na nga ba eh. Magkikita ko ulit siya." sabi niya habang nakangiti. Tiningnan ko lang siya ng confused look.
"Wag mong sabihing inlove ka?" nakangiti kong sabi. Akmang lalapit siya sa dalawang babae pero tinap ko balikat niya kaya napahinto siya at tumingin saken.
"Magpapakilala lang ako." sabi niya.
"Olle, soon to be. Wag lang muna ngayon." sabi ko. Tinapik niya naman kamay ko. At pinagpatuloy na niya ang paglalakad.
Sendrille's POV
Naglalakad labg kami ni Valorie. Nang biglang may humarang sa kinaroroonan namin. Pagtingin namin ni Valorie. Nanlaki mata namin. It's Timothy.. Mabuti nalang hindi kami nakadisguise ngayon kasi di niya kami makikilala.
Nakatingin siya saken at nakangiti ng maluwag. Baliw na ba 'to? Ngiti ngiti neto?
"Ahm, kindly get out of our way." sabi ni Valorie. Mukhang natauhan naman.
"I'm Timothy." pakilala niya.
"We know." nagulat ako sa sinabi ni Valorie.
"Really? Stalker?" tanong niya habang nakangiti. Siniko ko naman si Valorie. Loko 'to sinabi niya.
"I mean. Ngayon kalang namin nakilala. At hindi kami stalker noh? We just know." sabi ni Valorie and she rolled her eyes.
"Akala ko stalker ko kayo. Hindi pala." sabi ni Timothy. Bigla namang may humawak sa braso niya. At si Vince yun.
"Ah pasensya na." sabi ni Vince at hinablot braso ni Timothy paalis.
"See you again!" sigaw ni Timothy. Baliw na ata yun.
"Tara starbucks tayo." sabi ni Valorie. Tumango nalang ako at sumunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sendrille: The Hell Queen | ✔
ActionDaughter of the Mafia King and Queen, and the who next to be a lead in mafia clan. Together with her friends, she plan that they will need to disguised as a nerd just to hide their true identity. And a group of gangster will be an enemy, group of bo...