STHQ19: Concern

153 9 4
                                    

STHQ19: Concern

-




[ VINCE's POV ]





Nang makapasok na ako sa banyo ko, agad akong humarap sa salamin. Walang pasok ngayon kaya, todo pahinga na kaming magbabarkada.





Naalala ko na naman yung nangyari kahapon, it's was so unexpected. I don't even know na magagawa ko yun. Like hello, mortal enemy ko kaya yun. Tsk





Napailing nalang ako, nasisiraan na talaga ako. Kasi nung nangyari yun, naging iba ang pakiramdam at mas lalong napagaan yung loob ko na inaakala kong parang may mali sa nararamdaman ko. Talaga bang may sakit ako?





Naputol ang pag-iisip ko ng kung ano-ano ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Naglakad naman ako papunta dun at binuksan.





"What?" I asked her. I mean, isa sa mga katulong namin.





"A-Ah kasi po nandyan yung mga barkada niyo..." Sabi niya. Tumango lang ako at sinenyasang siyang umalis na. Napabuntong hininga nalang ako, ang sabi nila pahinga daw. Mga gago talaga.





Inayos ko muna sarili ko, baka pagtripan ako ng mga gagong 'yon. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na. At sa pagkababa ko, nakita ko pang at home na at home yung mga kumag sa sala.





"Ano ka ba, dude? Kanina ka pa namin tinatawagan, ni hindi mo man lang sinagot" Bungad agad saken ni Blake habang napapailing sarili.




Umupo ako sa tabi ni Timothy na kanina pa nakatutok sa phone niya. "Gago ka ba? Eh sino ba kasi nagsabi na wala daw lakad ngayon,"





"Naniwala ka naman sa kumag na 'to?" Natatawang sabi ni Troy habang nakatingin kay Red.






"Dami niyong sinasabi. Tara na nga" At tumayo na kami. At agad na nagsilabasan.






•••






Mga ilang minuto na din ay nakarating kami dito sa tinatambayan namin. Lugar na kung saan hide out namin.






Naunang pumasok sina Troy, Red at Timothy. Habang naiwan naman kami ni Blake dito sa labas ng hide out namin. "Dude, about what happened yesterday. Kamusta naman siya?" Napatingin ako sa kanya.






"Dude, seryoso? Walang kwentang tanong" Napairap kong sabi at agad napatingin sa ibang direksyon.






Natawa naman siya, "Pero alam mo, alam ko talagang may tinatago yung limang panget na mga 'yon. Bawat kilos at pananalita nila" Tanging sabi niya na ikinakunot ng noo ko.






Napaisip naman ako. And yes, pansin ko din naman 'yon eh. But I still don't have an idea. Dahil una palang may kung anong aura ang bumabalot sa kanila, lalo na yung Sapphire na 'yon. Tsk






Bigla ko na namang naalala yung nangyari. Damn it! Bakit masyado 'ata akong affected dahil dun. But seriously, nag-aalala ako sa babaeng 'yon.






May sayad na ba talaga ako? Mukhang lakas ng amats ko ngayon. Bakit naman ako mag-aalala sa babaen--






"Hey, dude! Nakikinig ka ba?" Nabalik ako sa reyalidad ng biglang pagtawag saken ni Blake.






"H-Ha?" Nakakunot kung tanong. Napangisi na lamang siya.






"Ano naman iniisip mo diyan? At lutang ka ng sobra, ang mabuti pa dude. Tigilin mo na ang pag d-druga, masama yan" Natatawang sabi niya at tumakbo papasok ng hide out.






"GAGO!" Sigaw ko. Kahit talaga kelan napakagago ng gagong 'yon. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa naging kaibigan 'yon, samantalang ang sarap pektusan.








[ VALORIE/VALERIE's POV ]








Nandito kami ngayon sa isang kainan, napasama lang kami sa trip ni Shania. Topakin din pala yung babaeng 'yon.








"Queen," Biglang tawag ni Miracle kay Bitch. Napalingon naman ito sa kanya. "Hindi pa din ba tayo babalik sa Korea? I miss our Mafia Business nor my family. Gusto ko sanang malaman kung ayos lang sila dun"








Nakita ko pang napabuntong hininga nalang si Bitch, "I don't really know kung ano na talaga ang nangyayari dun, wala pa akong nakukuhang balita galing sa mga Reapers ko"








"Hindi ba tayo bibisita 'don?" Singit ko. Miss ko na din pamilya ko eh, lalo na yung pagiging busy namin sa trabaho 'don.








"Oo nga, Queen. Bisita naman tayo 'don" Singit din ni Kim, tumingin si Queen saken. At hindi nagtagal tumango siya kaya napangiti kaming apat.








Pinagpatuloy namin ang pagkain, at bigla nalang may dumating na ikinalingon naming lahat.









Napatingin kami dun at laking gulat nalang namin na ang Black Phoenix ang kaharap namin ngayon. "Hi girls," Bati nung Kurt.



Sendrille: The Hell Queen | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon