Miracle's POV
Papunta na kami ngayon sa room namin ng marinig namin ang bulungan ng mga estudyante.
"Ewan ko eh. Basta narinig ko lang na tatlong babae daw."
"Galing ibang school eh."
"Malamang, transferries nga diba? Ang boba mo."
"Ah basta, mag-aabang nalang ako dito mamaya."
"What? A new bitches?"
"Well, hell yeah. Attentions Whore."
Ang aarte ng mga 'to, sarap pag-uuntugin akala mo naman mga kagandahan.
"May bago daw oh." sabi ni Kim samin.
"Narinig namin noh." sabi ni Shania, magtatalo na naman silang dalawa.
Pumasok na kami sa room namin at dahil sa sobrang ingay ng mga kaklase ko, napatigil sila ng dumating kami.
"Tinitingin-tingin niyo?" tanong ni Valorie. Ang maldita talaga neto kahit kelan.
"Aba aba, bakit lalaban ka?" tanong ni Stacey kay Valorie at lumapit pa. Nag-ingay na naman ang mga kaklase namin.
Nginisihan ni Valorie si Stacey at lumapit din. Pipigilan ko na sana kaso hinawakan ni Shania yung braso ko at sumenyas siyang wag nalang, kaya huminto nalang ako at tiningnan nalang ang sunod na mangyayari.
"Lalaban ka ba talaga saken?" panghahamon ulit ni Stacey kay Valorie. Nakita ko pang napakaseryoso ng mukha ni Valorie.
Naglabanan sila sa tingin. "You, If you want to kill me. Kill me now." seryosong sabi ni Valorie. Napa 'woah' nalang ang lahat.
"I really really want to kill you, now." madiin na sabi ni Stacey at sasampalin niya sana si Valorie, pero nasuntok na siya eh. Kaya ayun, nakahiga na sa sahig.
Nagulat ang lahat sa nangyari at sa inasal ni Valorie, dahil kilala lang naman nila kami bilang panget, weak, at walang laban.
Lumapit si Queen kay Valorie at hinawakan ang braso niya, at hinigit yun palabas. Hindi nalang kami sumunod nila Kim.
Sen's POV
Hinayaan ko lang si Valorie na makipagtalunan kay Stacey, pero dahil sa ginawa niya kanina. Talagang makikilala kami neto, dahil lamang sa inasal niya.
Dinala ko siya garden, dahil dun lang naman kami makakapag-usap ng matiwasay.
Huminto kami sa tabi ng puno. "Mwo anya?" diretso kong tanong. [ Mwo anya - What are you doing ]
"Mian." maikili niyang sabi. [ Mian - Sorry ]
"Don't do it again, mahahalata tayo." sabi ko. Tumango nalang siya.
Naglakad na ako pabalik sa classroom, at nakasunod lang naman siya.
Pagkadating namin dun, nandun na ang prof. "Ms. Valorie, go to the Dean Office." utos niya kay Valorie. Huminto muna kami sa pintuan, nasa likudan ko lang naman si Valorie.
"Why would I?" napabuntong hininga nalang ako. Tinadyakan ko yung isa niyang paa, kaya napaatras siya.
Napupuno na ako sa kanya eh, napakatigas talaga ng ulo.
***
Hanggang ngayon, nandun pa rin si Valorie sa Dean Office. Hindi pa nakakabalik eh.
"Mauna nalang tayo sa Lunch, please?" at ito namang isa, si Shania. Kanina pa siyang nagmamakaawa, dahil nga daw sa gutom na siya. "Sige na naman oh, gutom na ako eh." dugtong pa niya at umub-ob sa mesa niya. Nandito pa kasi kami sa room.
BINABASA MO ANG
Sendrille: The Hell Queen | ✔
ActionDaughter of the Mafia King and Queen, and the who next to be a lead in mafia clan. Together with her friends, she plan that they will need to disguised as a nerd just to hide their true identity. And a group of gangster will be an enemy, group of bo...