A/N: Hi Dindin! To my first ever reader! Labyu
12 years ago..
"Ma? Bakit po nakaganyan ka?"
"May pupuntahan lang si Mama. Dito ka lang sa bahay, magpakabait ka dito."
"Opo, Mama. San po ba kayo pupunta?"
"Malapit lang yung pupuntahan ko. Wag ka na mag-alala. Pagbalik ko may uwi akong isang malaking Hello Kitty teddy bear. Okay ba yon?"
"Sige po! Gusto ko po yun! Bilisan nyo po ah?"
"Hmm sige! Paalam!"
"Babye po!"
"Mahal na mahal kita Ethel."
"Mahal din po kita."
Nagsimula siyang maglakad ng patalikod habang kumakaway sakin. Kumaway ako pabalik.
Naghintay ako ng buong maghapon sa pagdating ni Mama sa harap ng pintuan. Hindi ako tumatayo doon. Kahit pag-ihi ay hindi ko ginawa para lang hindi makaligtaan ang pagdating nya.
Sumapit ang gabi at kahit mahinang katok sa pintuan ay wala akong naririnig. Lumalim ang gabi at mulat parin ang aking mga mata. Nakatingin parin sa pintuang kahoy na walang pintura at puro drawing ko gamit ang pentelpen.
"Ang tagal naman ni Mama." Wika ko sa aking sarili.
Lumipas ang buong magdamag at nakatulog ako sa aking kinauupuan. Wala parin si Mama. Dahil sinabi nyang huwag akong mag-alala. Naghintay muli ako sa harap ng pintuan, ngunit sa puntong ito ay umiihi na ako at kumain ng almusal at pananghalian.
Nang maghapon na, nagmadali akong tumayo sa aking kinauupuan dahil may kumakatok.
Dali dali ko itong binuksan.
"Mama--! Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!"
Nagulat ako sa aking nakita, natakot. Isang malaking tao na ang suot ay katulad ng kay Mama ng umalis sya.
"Sino po kayo?"
"Ako si Private Klinton, napagutusang sunduin ka at dalin sa Private Z."
"Saan po yun? Nandon po ba ang Mama ko?"
"Sumama ka nalang."
"Pero sabi ng Mama ko wag akong aalis dito! Baka magalit yun! Kung gusto mo hintayin muna natin sya tapos alis na tayo."
"Nandon ang Mama mo."
"Sinungaling. Niloloko mo lang ako e."
"AHH! Ano ba! Waaaah ibaba mo kooooo!"
Binuhat ako ng Mamang ito at ipinasok sa itim na kotse. Nakakahilo ang amoy sa loob kaya nakatulog ako.
Naalimpungatan ako dahil sa naguusap. Nasaan ako? Ang nakikita ko ay pinaghalong itim at puting pader. Anong lugar ba ito? Nandito ba talaga si Mama?
Babangon sana ako ngunit may posas na nakakabit sa aking mga paa.
"Manong Private Klinton? Manong?" Tawag ko sa mamang nagpakilala kanina at nagdala sakin dito.
Bumukas ang transparent na pintuan at pumasok don ang isang babaeng kasing tangkad at kakatawan ni Mama.
"Sino po kayo?"
"Anak ka nga ng impaktang iyon." Ngumisi sya sakin. Sino ang tinutukoy nya? Si mama?
"Hmm.. Ako si Madelle. Kaibigan ako ng 'yong ina."
Hindi ako naniniwalang kaibigan sya ni Mama. Dahil tinawag nyang impakta si Mama.
Walong taong gulang na ako pero hindi ako bata kung mag-isip, dahil hindi naman ako nagkaroon ng oras para lumabas at makipaglaro sa mga bata sa labas ng bahay namin. Kami lang ni Mama ang magkasama palagi sa bahay. Hindi ko kilala ang Papa ko at wala rin akong alam sa trabaho ni Mama.
BINABASA MO ANG
PRIVATE MISSION
Mystery / ThrillerAll rights reserved© 2017. Mewijoyx. Photo credits to the owner. READ AT YOUR OWN RISK. WRONG AND TYPO GRAMMATICALLY ERRORS ARE EXISTING. PLEASE DO UNDERSTAND. THANKYOU!