Mission 7

243 12 3
                                    

Nagbihis ako ng itim na fitted dress na may choker sa leeg at hanggang tuhod. Nagmake-up ako ng light make-up at nagsuot ng 6 inches na highheels. Sanay na ko sa ganito dahil sa iba't ibang misyon ko.

Nilagay ko ang caliber 35 ko sa choker at nagkabit ng dalawang maliit na kutsilyong itim sa dulo ng kulot at mahaba kong buhok. Tinggal ko ang wrist watch ko at pinalitan yun ng silver na bracelet. Nagsuot din ako ng kwintas na may pendant na botton, pag pinindot yun ay mgiging straight ang kwintas at magkakaroon ng talim. May dala din akong purse na may lamang maliit na tatlong dagger. Sa shades ko naman ay may maliliit na frost na bakal. Sa heels ko naman ay may nakakabit na mini bomb.

I am ready!

Sumakay ako ng elevator na nasa loob ng kwarto ko at dumiretso sa basement. Bago ko gawin ang bagay na to ay sinigurado kong inoff ko ang camera sa lahat ng dadaanan ko.

I'm not going to use my motorbike, kailangan kong magkotse. Marami kong dala.

Pumasok ako sa automatic kong sports car na kulay itim din. Habang umaandar ay kinuha ko ang singsing kong may speaker sa dashboard. Sinuot ko yon at sinubukan, may umilaw na red. Ibig sabihin ay gumana. Nilagyan ko ng silencer ang lahat ng baril na dadalhin ko. Tatlo lahat yun, tatlong caliber 35. Isa sa batok dalawa sa balakang, hindi halata ang sa balakang dahil nagmumukha lang itong hubog ng katawan ko.

Nakita ko sa map na malapit na ko sa V bar. Ang bar kung saan madalas ako nuon. Naramdaman ko agad ang dalawang mata na nakatutok sa akin. Napangisi ako at sinuot ang shades ko. Pumasok ako sa loob ng bar at umupo sa tapat ng bartender.

"Goodevening ma-- Ma'am Ethel?! Ikaw ba yan? Ang tagal nyo pong hindi bumalik dito ah?!"

Bago pa ko magsign language ay inabutan nya ko ng ballpen at papel.

"Naging busy lang." Yan ang nakasulat.

"Ganon po ba? Buti ay naisipan nyo uling bumalik. Nabalitaan ko nuon e may nangbastos pala sayo. Akala ko nga ay lumipat kalang ng ibang bar dahil don."

Umiling ako.

"Aba e yung boss nga po namin ay galit na galit dahil hindi nya daw nakuha iyong pangalan mo. Sasabihin ko sana kaso ay baka magalit ka, sabi mo pa naman sakin ay wag kong ipagkakalat yung pangalan mo."

Nginitian ko sya at nagbow ng bahagya, sinasabi ang pagpapasalamat.

"Walang anuman po."

"Kamusta ka na?" Sinulat ko sa papel.

"Maayos naman ho. Nakakaipon na, hehehe."

Si Mary Joy ang bartender sa V bar. Masigla sya at madaldal talaga, pero mapagkakatiwalaan naman. Hindi nya nga sinabi kahit kanino ang pangalan ko, nakakatuwa.

(Extra ko lang sarili ko. Duh alanganamang kayo lang no. HAHAHA -KillerGreen)

"Iinom po ba kayo ma'am?"

Umiling ako at tinuro ang dancefloor.

"Sasayaw po kayo?"

Tumango ako at nginitian sya bago nakisalamuha at nakisiksik sa mga taong nagkakasiyahan at nagsasayawan sa dancefloor.

I know Ziko's watching me.

Ziko POV

Makalipas ang mahigit isang buwan ay nakausap ko ng maayos si Rama. Kaisa sa grupo namin si Rama. Kami ang tunay na mag-kapatid. Nasa bahay ampunan ako ng kinuha sya samin at dalhin sa Private Z, ang akala nila Ric, Klinton at Madelle ay si Rama ang apo ni Erick Olivia Jr, sa history ng Olivia Hotel walang nakalagay na nakita na nila ang anak ni Erick, at wala ring nakalagay na may apo na si Erick Jr sa kadahilanang nilagay nila iyon para walang makaalam sa sikreto nila.

PRIVATE MISSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon