Mission 20

125 9 5
                                    

Nang makarating kami sa mall ay dumiretso agad kami sa isang botique.

"Bumili ka na kaya ng maraming damit?"

"Ha bakit naman?"

"Ano edi araw-araw kang magpapabalik-balik sa mall? Wala ka namang damit sa condo ko o di kaya sa Org."

"Matatagalan pa tayo. Bukas na lang."

"Nandito na tayo! Ngayon na! Tutulungan kita."

"Ayoko nga!"

"Wag kang mag-alala, sukat ko na yang bewang mo. Tagal ko kayang nakayakap sayo!"

Sinapak ko sya sa braso! Lintek to mang-asar!

"Dyan ka lang. Mag-ccr lang ako."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya, sinundan ko na agad yung babaeng may hawak na baril sa bulsa ng jacket nya. Anak ng tinola bakit ba sinusundan nila kami?!

Dumiretso sya sa cr ng mga babae kaya naman sinundan ko sya.

"Buksan mo to. Wag kang magtago, lakas ng loob mong sundan ako tapos magtatago ka?"

"Sinong nagtatago?!"

Naramdaman ko nalang ang malamig na bakal sa leeg ko, nakatutok sa leeg ko ang baril nya. Masyadong madilim sa lugar na yon kaya walang nakakakita samin.

"Sino ka ha?!"

"Masyado kang pabida kaya hindi mo ko kilala! Let me introduce my self."

Diniin nya ang baril at sinakal pa ko.

"I'm Neon."

Hindi ko narinig ang pangalan nya dahil kasabay ng pagsasalita nya ay siniko ko sya ng tatlong beses kaya nabitawan nya ko.

Tinadyakan ko sya sa dibdib at kinuha sa kamay nya ang kutsilyo. Sinaksak ko yun sa kamay nya at inuntog sya sa pader. Tinuhod ko sya ng tatlo beses.

"I don't care kung sino ka."

Pagkatapos kong sabihin yun ay sinipa ko sya ng sobrang lakas sa ulo. Patay.

Naghugas muna ako ng kamay bago bumalik sa botique.

"Ang tagal mo naman? Umebak ka ba?"

"Ano?! Hindi!"

"Oh! Ako na pumili, ang tagal mo e." Inabot nya sakin yung paperbag.

"Ayos yan. Tara na."

"Ba't nagmamadali ka?"

"Sasabihin ko sayo mamaya. Let's go."

"Okay."

Nagprisinta akong magdrive pumayag sya dahil mayayakap nya daw ulit ako. Hindi ko nalang yung pinansin dahil tinuon ko ang isip ko sa babaeng yon. Bakit kailangan pa nila kong pasundan?

Habang nagdadrive ako ay narinig kong nagriring ang cellphone ko.

"Pakisagot nga yung tumatawag, Ziko."

"Okay."

Niloudspeaker nya kaya narinig ko ang background ng tumatawag.

"Hello?"

"Nasaan kayo?! Wag kayong pupuntang Org! Nandyan ang Private Z. Dumiretso kayo dito sa Olivia!" Narinig kong sabi ni Lenard.

Pagkasabi nya nun ay mabilis kong niliko ang motor, anak ng pating! Bakit kasi maingay tong motor ni Ziko?! Malapit na kami ng V Org ng tumawag si Lenard kaya naman yung mga kalaban ay nakita kami.

PRIVATE MISSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon