Mission 23

110 7 3
                                    

Mabilis kaming nakarating sa Org event. Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok ay nakita na namin sa guard house ang guard na puro tama ng baril. Ang gate ay yupi yupi at bukas.

"Wag mo na ipasok, bumaba na tayo. Delikado."

Yun nga ang ginawa ko. Hindi ko na pinasok ang motor at bumaba na, dahan dahan kaming naglakad at maingat na nagmamasid ng kalaban sa paligid.

Pagpasok namin sa loob ay nagkalat ang mga basag na bote, mga barahang nakakalat, lamesang nakataob at upuang sira sira. Nagkalat din ang bangkay ng mga manunugal at waiter.

Nagkahiwalay kami ni Rama ng biglang may sumulpot na mga kalaban. Mabilis kong kinuha ang baby armalite at pinaputukan sila ng sunod sunod.

"Magkita nalang tayo mamaya! Mag-ingat ka Ethel!"

Mabilis syang tumakbo papunta sa kanang pasilyo. Hindi na ko nakasagot pa dahil may biglang dagger na tumama sa pader kung saan ako nagtatago. Napatingin ako doon.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Oh? Hindi mo ko kilala?"

"Tatanungin ko ba kung kilala kita?"

"Pilosopo! Ako lang naman yung kaibigan ni Neon! Yung pinatay mo sa mall!"

"Ah ikaw pala. Gusto mo isunod na kita?" Nakangisi kong sabi at hinugot ang dagger na binalibag nya, saka ko yun hinagis sakanya. Hindi sya nakapagreact dahil sa gulat. Hindi rin sya nakaiwas kaya tumama yun sa kanang braso nya.

Hinugot nya yun kaya umagos ang dugo. Masamang tingin ang ipinukol nya sakin. Nanlilisik ang mata nya na parang demonyo.

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo!"

Mabilis syang sumugod dala ang dagger kaya hinugot ko rin ang sakin. Kung ganito nya gusto makipaglaban, sino ba naman ako para mandaya.

Nagsasalagan ang mga kutsilyo naming hawak. Sipa dito, sipa doon. Hindi maitatangging magaling sya sa pakikipaglaban. Pero syempre mas magaling padin ako.

"Aray!" Napaatras ako ng bigla nyang saksakin ang balikat kong may tama ng bala at may saksak din.

"Ha?! Aatras ka agad?!" Ngumisi pa sya na parang aso saka mabilis na sumugod. 

Kahit masakit ang balikat ko ay nakipagsabayan ako sa bilis nya. Napapagod na ko pero mukhang sya hindi pa.

"Pasensya na pero hindi ako maguubos ng lakas para lang sayo!"

Mabilis kong hinugot ang baril sa bewang ko at pinaputukan sya sa tyan.

Napaatras sya at dahan dahang tumulo ang dugo mula sa bibig at tyan nya.

"Hindi ka patas!" Nahihirapan nyang sabi.

"Kwits lang. Hindi rin naman kayo patas."

Matapos kong sabihin yun ay binaril ko sya sa ulo at umalis na. Sinundan ko ang pinuntahan ni Rama, tinakbo ko ang mahabang pasilyo na yun hanggang sa makarating ako sa kusina.

Nagkalat ang basag na plato, baso at mga kutsara. Napatingin ako sa pintuan na nasa dulo.

Nilapitan ko yun at binuksan.

"Oh my god.."

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa nasaksihan. Nakita ko doon si Jeraldine. Sunog ang mukha at parang bungo dahil nalulusaw ito at umuusok.

Napatingin ako sa bote ng muriatic acid na nakakalat. Naabutan ko si Jeraldine sa banyo.

Napaluha ako dahil sa sinapit nya. Brutal dahil ang dami nya ring saksak. May naiwan pang kutsilyo sa kaliwang dibdib nya.

PRIVATE MISSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon