Mission 15

168 9 0
                                    

Mary Joy POV

Tumakbo sya palapit sakin at akmang susuntukin ako pero mabilis ko yong naiwasan.

Sinuntok ko sya sa mukha ng dalawang beses. Ano ka ngayon batchoy?!

"Mayabang ka ha!" Lumapit ulit sya at akmang susuntukin na naman ako.

Pero dahil baboy sya at mabagal ay mabilis kong sinalo ang kamao nya at pinilipit yun papunta sa likod nya. Nang nasa likod na nya ko ay tinadyakan ko sya ng malakas kaya tumunog pa ang pagkabasag ng bungo nya. Nakadapa sya ngayon sa kalsada.

"Ano? Mayabang kasi may maipagyayabang ganon dapat! Diet diet kasi boy!"

Inupuan ko sya sa likod. Di naman mababali ang backbone nya hindi lang dahil napapalibutan yun ng taba kundi dahil na rin sa hindi ako mabigat. Sexy ko kaya! Umangal may sapak!

Pagtingin ko sakanilang apat ay sabay sabay silang pumapadyak. Oo sabay sabay talaga! Para tuloy akong nanunuod ng dance performance. As in! Sabay sabay talaga sila! Nawawala sigurong kapatid ni Lenard yung tatlong yon. HAHAHAHA!

"Nice!" Pumalakpak pa ko at tumayo na.

Humarap sakin yung tatlo, ngayon ay medyo naaaninag ko na ang mukha nila. Nagtataka yung facial expression nila.

Si Lenard naman ay lumapit sakin.

"Hello! Galing nyo makipaglaban! Mary Joy nga pala." Naglahad ako ng kamay. Nangangalay na ko pero wala paring kumukuha. Kaya naman binawi ko nalang. Wow mga choosy!

"Ah hehehe kundi nyo mamasamain, hindi man lang ba kayo magtethankyou? Tinulungan namin kayo oh?"

Pinamukha ko pa sakanila yung mga pinatumba namin, I mean ni Lenard. Si batchoy lang naman pinatumba ko.

"Wala namang nagsabi na tulungan nyo kami." Biglang sinabi nung babaeng kulot. Suplada.

"Ah oo nga naman." Napapahiyang sagot ko.

"Pero thankyou talaga Ate, Kuya! Alam nyo bang kaninang umaga pa kami hinahabol ng mga sangganong yan? Sampu kaninang umaga, sampu nung tanghali, tas kaninang gabi sampu din tapos ngayong madaling araw sampu ulit. Jusko sakit sa bangs!" Biglang sabi nung babaeng maliit. Sakit daw sa bangs, edi sya na may full bangs. Feel na feel nya hinawi nya pa talaga!

"Oh? Bakit hinahabol kayo?" Tanong ko.

"Kasi nga--!"

Biglang tinakpan nung babaeng straight ang buhok yung bibig nung maliit na babae. Wtf ang hirap nilang pangalanan ha.

"Ah pasensya na sa abala. Salamat na rin. Sige mauna na kami." Straight.

"Teka." Biglang pigil ni Lenard. Oh may kasama pala ko? Di ko dama psh.

"Bakit?"

"May matitirahan na ba kayo?" Wow! Mukhang magooffer patong kumag na to! Ano bahay ampunan kami?

"Naku wala nga po e!" Bago pa matakpan ni straight si maliit ay nasabi na yun ni maliit. Grabe ha ayan nalang, ang hirap nilang pangalanan che.

"Oh? Sakto malaki yung appartment namin. Pwede kayo don." Lenard

"Wag na." Suplada nitong si kulot. Plantsahin ko kaya buhok nito.

"Tss. Tutulungan lang naman namin kayo. Duh anong oras na oh? Sumama na kayo wag kayong choosy. Magaling lang kaming makipaglaban pero di kami mamamatay tao!" Naiinis na ko ha.

"Hay bahala kayo kung ayaw nyo sumama. Ako sasama ko."

Lumapit samin si maliit.

"Oh kayo? Hindi na talaga kayo sasama?" Gusto ko sanang idagdag na 'it's a matter of life and death' joke.

PRIVATE MISSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon