Mission 5

250 14 1
                                    

Third person's POV

"Ano? Stupid! Paano kung malaman ni Ric ang plano natin! Malamang ay kakanta yung si Eka! Si Ekang duwag!"

Gigil na gigil na sigaw ni Markus kay Lenard. Si Markus ang namamahala sa mga magagaling na espiya o spy. Si Lenard naman ang kasama nina Ziko at Eka sa pag kidnap sa bata. Pinlano nila ang kaganapang iyon.

"Natakot po ako---"

"Natakot?! Pinlano natin ng maayos ang mangyayari tapos sasabihin mong natakot ka?! Aba'y mas masahol ka pa pala sa Ekang yun!"

"Huminahon po kayo Dad." Hinawakan ni Naomi sa braso ang kanyang ama na galit na galit.

Dahil magaling na spy si Ziko ay nalaman nya kung saan madalas pumunta si Ethel, at yun nga ay sa bar. Ang pagkidnap na yun ay planado, nagkabit sila ng maliit na speaker sa motor ni Ethel. Isa itong mini speaker na may magnet. Dalawa ang mini magnet speaker na yun, ang isa ay para sa motor at ang isa ay para sa relo ni Ethel, nabanggit sakanila ni Ziko na palaging may suot si Ethel na relo kaya naman yun ang pinlano nila.

Galit na galit si Markus dahil ang plano nilang pagkuha kay Ethel ay hindi natuloy, ang totoo nyan hindi naman nila balak saktan ito. Ang plano nila ay sabihin kay Ethel ang totoo. Ang totoong pagkatao nya at ang totoong kulay ng mga tao sa paligid nya.

"Umalis ka muna, Lenard." Utos ni Naomi.

"Sige."

Payukong umalis si Lenard sa opisina ni Markus. Umupo si Markus sa kanyang swivel chair, si Naomi ay umupo sa upuan sa harap ng lamesa ng kanyang ama.

"May next time pa, Dad. Masasabi din natin ang lahat kay Ate."

"Sana nga, anak. At sana ay ligtas sila Ziko."

"You're so harsh to Kuya Eka. Hindi nya yon kasalanan."

"Tigilan mo ko, Naomi. Duwag talaga yang Kuya mo. Ewan ko ba kung bakit nagpumilit pa syang sumama sa misyong iyon. Kasalanan nya yon."

"Hindi ko alam kung anong kasalanan ni Kuya sayo, Dad."

"Kasalanan nya kung bakit napunta sa Private Z si Ethel. Kung sinabi nya sakin agad na nakita nya si Ethel sa ampunan edi sana ay kasama natin ngayon ang Ate mo!"

Ethel POV

Nagsearch ako ng mabuti tungkol kay Ziko at Eka. Wala akong mahanap na impormasyon. Nagsearch din ako gamit ang pangalang Sev dahil baka yun ang gamit na pangalan ni Ziko pero nabigo ako, walang lumabas.

"Magaling silang magtago."

Yan lang ang nasabi ko. Kahit sa mga social media accounts ay wala akong nahagilap na impormasyon.

*Tok* *Tok*

Tinignan ko sa monitor kung sino ang kumakatok. Si Papa.

Sinarado ko ang loptop ko at lumapit sa pintuan para pagbuksan sya.

"Bakit Pa?"

Umupo sya sa single couch na nandoon. Humarap sya sakin ng seryoso.

"Planado ang lahat ng iyon."  Tukoy nya sa pagkidnap sa bata.

"Alam ko."

"Sabi mo ay pamilyar sayo ang lalaking iyon? Yung matapang."

"Ah, oo."

"Naalala mo na ba kung saan mo sya nakita?"

Naalala ko na naman ang ngiti ni Ziko, ang sinserong ngiti na yon. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit parang gusto ko syang pagkatiwalaan.

PRIVATE MISSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon