Mission 10

190 10 0
                                    

Magkasabay kaming naglalakad ni Rama sa makintab na pasilyo ng Org na to.

Bigla ay tinapat nya ang palad nya sa pader na bakal, bigla itong bumukas. Gusto kong magsalita dahil sa paghanga, ngunit napupuno ako ng kalungkutan at poot.

"This is Markus office. Sakanya lang ang ganyan ang pinto."

Hindi ko sya pinansin, inilibot ko ang paningin ko sa buong office na sinasabi nya. Puno ito ng mga nakadisplay na baril, halatang hindi ginagamit at display lang talaga. Meron ding isang cabinet ng mga wine.

"Goodafternoon, Markus."

"Goodafternoon. Have a seat."

Napatingin ako sa taong nakaupo sa isang swivel chair at nakapatong ang dalawang kamay na magkasaklob sa lamesa.

Sa gilid ay may salamin na nakasulat ng all capslock at bold letters ang pangalang, Private Investigator Markus.

"I didn't expect na ganoon kabilis ay babalik ka agad dito."

Ako ang tinutukoy nya.

"I need to know everything."

"Hindi mo lang iyon kailangan, karapatan mo yon dahil anak kita."

Bakit ngayong sinasabi nya ito ay sadyang lumambot ang puso ko? Makikita sa mga mata nya ang pagkasabik at pagkalungkot, nandoon din ang pangungulila.

Hindi ganito ang emosyong naramdaman ko ng sabihin sakin ni Klinton na sya ang ama ko, posible kayang dahil bata pa ko noon? Oh dahil nabanggit si Mama? Si Mama na mahal na mahal ko.

Nakatayo ako doon at pinipigilan ang emosyon. Umiwas sya ng tingin at binalik ang tingin kay Rama.

"Please leave us alone, Rama."

Nagugulat namang napatingin si Rama, para bang doon lang nya naalala na nandoon sya at pinapanood kami.

"A-ah! I'm sorry, yes Markus. Sorry."

Nakatingin lang sya sa mga mata ko hanggang sa makalabas si Rama sa loob ng opisina.

Tumayo sya doon at lumapit sa akin.

"I-i'm Sorry." Lumandas ang luha sa lanyang mata.

"I'm sorry, Ethel. Hindi ko nagawang iligtas ang mama mo."

Hinawakan nya ang pisngi ko at dinama yon, para bang sa wakas ay nasa harapan na nya ko.

"Kasalanan ko kung bakit napunta ka sa Private Z."

Lumandas muli ang luha sa kanyang mata. Nanlabo naman ang paningin ko, mahirap magpigil kaya naman hinayaan kong tumulo ang luha na pinipigilan ko.

Ngumiti sya ng malungkot at pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi ko.

"Ngunit masaya ako." Ngumiti sya at tumango. "Dahil buhay ka."

Lumapit sya ng tuluyan sakin at niyakap ako. Isa yung banayad na yakap, hindi mahigpit, hindi rin pilit. Para bang pinaparamdam ng yakap na yun ang pagkasabik, pangungulila, lungkot at pagmamahal. Lahat ng emosyon ay halo halo kong naramdaman.

Hindi ko napigilan at napayakap nalang din ako.

Napahikbi at napapikit. Ngayon ay naniniwala na ko. Sya ang tunay kong ama. Hindi na maipagkakaila dahil parehas kami ng mga mata, ilong at labi. Hindi rin nagkakalayo ang aming ugali.

"I will do everything to give justice for your mother's death. Pagbabayaran nila ang lahat lahat, ang pagkamatay ni Liezel, ang pagsisinungaling nila sayo. They don't deserve to be alive, there is someone who deserve it the most. Evil is not allowed."

PRIVATE MISSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon