Mission 22

110 6 0
                                    

Tinuloy ko ang pagdadrive ng mabilis hanggang sa mapunta kami sa highway. Nagulat ako ng nasa gilid ko na ang isang motor, papaputukan nya dapat ako pero naunahan ko sya dahil kinakasa nya palang ang baril ako ay binaril na sya. Tumalsik sya dahil shotgun ang gamit ko.

Pagharap ko sa daan ay nagulat ako sa makakasalubong ko. Nanlaki ang mata ko at mabilis na niliko ang kotse, isang flamable tank ang makakabangga ko. Paghinto ng kotse ay bumaba agad ako at nagtatakbo papunta sa kabilang highway.

Napatingin ako sa tank at pagewang gewang ang andar nun hanggang sa bumangga yun sa dalawang kotse na humahabol sakin.

Bago pa kumalat ang apoy ay tumalon ako sa tulay. Kasabay ng pagbagsak ko ay ang pagsabog at tilian ng mga tao.

Sunod sunod ang pagsabog dahil nasa highway at puro sasakyan. Umahon ako at nilangoy ang daan pabalik sa tulay.

Sunog na sasakyan lang ang nakikita ko at wala ng buhay na mga tao.

"Two and Three down."

Tinakbo ko ang mahabang tulay na yon. Naririnig ko na ang sirena ng bumbero at mga pulis na nanggagaling sa kabila kaya binilisan ko pa ang takbo para hindi nila ko makita.

Nang makababa sa tulay ay ganun parin ang nakita ko, sunog na sasakyan dahil 50 meters ang kayang tupukin ng apoy ng flamable tank.

Nang makarating sa medyo malayo ay humanap ako ng sasakyan sa mga bahay bahay pero wala akong makita. Bike lang kaya kinuha ko na at pinagtyagaan. Mountain bike yun kaya mabilis at hindi mahirap gamitin.

Nang makarating ako sa ospital kung saan nandoon si Naomi at Rama ay halos magmukha yung ghost town dahil puro bangkay ng mga nurse, doctor at pasyente ang nakahambalang sa daan.

Naiiyak kong tinakbo ang kwarto nila Naomi at Rama. Naabutan ko don si Melisa na wala ng buhay.

Nilapitan ko sya at sinigurado kung patay na sya. Nakita ko ang tama ng baril sa dibdib nya. She's dead.

"Tatlo na." Mahinang bulong ko.

Binitawan ko na sya, ibig sabihin buhay pa sila. Tinakpan ko ng kumot ang katawan ni Melisa at umalis na.

Kung ganon, nasa private Z sila. Malayo layo pa ang Private Z dahil isang oras ang byahe mula Olivia hanggang doon. Pero binilisan ko ang pagpedal hanggang sa makakaya ko.

Nang makarating sa Hotel Z ay halos mabingi ako sa sobrang tahimik. Pumasok ako doon at katulad ng sa Olivia ay nagkalat din ang bangkay ng mga tao. Sumakay ako ng elevator at bumaba sa Org nila.

Pagdating doon ay walang tao sa mga pasilyo. Pumunta ako sa training room at isang tao lang ang nakita ko na may hawak na dagger. Napatingin sya sakin at sinamaan ako ng tingin.

"Sean?"

"Ako nga."

"A-anong ginagawa mo dito?" Nagugulat kong tanong dahil halos lahat ay patay na.

"Bakit? Nagugulat ka ba dahil buhay pa ko?"

"Oo."

"Masyado mo kong minamaliit. Halika subukan mo ko."

Bago pa ko makatanggi ay binalibag na nya ko ng dagger, dumaplis yun sa balikat ko kaya nagdugo.

"Bitawan mo ang mga baril mo. Kutsilyo lang ang gamitin natin."

Yun nga ang ginawa ko. Binaba ko lahat ng mga nakasukbit na baril sa balikat at likod ko. Habang pinapanood nya ko ay mabilis kong kinuha ang dagger ko at binalibag sakanya. Pero mabilis nya yung naiwasan.

"Mapanlinlang ka. Alam mo bang gustong gusto na kitang saksakin?" Nanggigil na sabi nya at binalibag ako ng tatlong magkakasunod na dart. Mabilis ko yung naiwasan.

"So.. dito ka pala magaling? Bakit hindi mo pa ngayon gawin?" Mapanghamong sabi ko.

"Huwag kang mag-alala, kahit hindi mo sabihin ay gagawin ko yun!"

Nilapitan nya ko at sinipa sa tyan. Napaatras ako at inayos ang kamao ko. Ako ang sumugod at mabilis syang pinagsisipa at pinagsusuntok. Bago ko sya masaksak ay pinatid nya ko kaya naman bumagsak ako sa sahig.

Naramdaman kong tinapakan nya ang likod ko.

"Baliin ko kaya ang buto mo?"

"Ahhh!" Napaubo ako matapos nyang tadyakan ng malakas ang likod ko. Nabali yata ang buto ko. Napatingin ako sa dugong sinuka ko.

Hindi ako dapat mamatay. Kahit hirap ay pinilit kong tumayo.

"Ano kaya mo pa?" Ngumisi sya.

Dahil patas ako kung lumaban, tinakbo ko ang distansya namin at nakipaglaban ng suntukan sakanya. Kung mapapagod sya ay mabilis ko syang matatalo. Nagpalitan kami ng suntok at sipa. Madalas ay sya ang natataman ko. At ng hindi na nya napansin ang depensa nya, mabilis kong kinuha ang dagger sa belt ko at sinaksak sya sa tyan. Pagkatapos ay hinugot ko at sinaksak sya sa dibdib.

Inikot ko ang dagger sa loob ng katawan nya at saka hinugot yun. Pagkatapos ay sinaksak ko sa ulo nya.

Lumayo ako ng napaluhod sya at bumagsak padapa.

"Pasensya na pero hindi ikaw ang papatay sakin. Paalam Sean."

Kinuha ko na ang mga baril na dala ko. Ang iba ay pinalitan ko ng magasin. Pagkatapos ay kumuha ako ng iba't ibang uri ng dart at dagger na nandoon.

Lumabas ako ng training room at dumiretso sa opisina ni Ric. Walang tao doon. Kaya lumabas na ko.

Kung wala sila dito, posibleng nasa V org sila.

Sumakay ako ng elevator at dumiretso sa basement. Sigurado akong nandito ang motor ko, hindi nga ako nagkamali. Kinuha ko ang susi sa bulsa ng palda ko at sumakay na.

Hindi ako naghelmet, para mas makita ko ang paligid ko. Nang makarating ako sa V org ay puro putukan ng baril lang ang naririnig ko.

Bago ako pumasok sa loob ay kinasa ko ang 357 kong baril. Ito yung ginagamit ni FPJ, yung tumatagos ang bala sa pader.

Nagtago ako sa poste at ng lumabas ako ay dalawang kalaban ang bumungad. Binaril ko silang dalawa na diretso sa ulo.

Nang makalapit ako sa elevator ay sumakay agad ako at bumaba sa org.

Pagkarating ko doon ay bumungad agad sakin ang mga kalaban kaya mabilis ko silang pinagbabaril ngunit ang isa ay nabaril ako sa balikat. Kung saan nadaplisan ako ni Sean kanina.

"Aray!" Binaril ko sya at pagkatapos ay tinadyakan sa bungo dahil sa inis.

Dumiretso na ko ng lakad at naabutan ko si Rama na binaril sa ulo ang kalaban.

"Rama!" Napalingon sya sakin.

"Ethel!" Lumapit ako sakanya at niyakap sya.

"Nasaan sila?" Tanong ko.

"Nasa Org Event sila. Doon nagpunta sila Ric, Klinton at Madelle. Sinundan sya ni Erick, Markus at Olga."

"Sila Naomi?"

Nagbago ang timpla ng mukha nya ng banggitin ko ang pangalan ni Naomi.

"Kanina sa ospital ay nabaril sya, buhay pa sana sya kaso ay nabaril sya kung nasaan ang sugat nya. Shotgun ang ginamit kaya binawian sya ng buhay."

Napatulala ako at napailing. Oh my god. Apat na ang patay...

"This is not the right time para dibdibin ang nangyari. Pumunta nadon si Joy, Ziko, Eka at Jeraldine."

"Where's Apple?"

"Umalis sya, babalik daw sya sa probinsya nila."

"Nang ganito?! Delikado!"

"Sinabi din namin yan pero nagpumilit sya. Si Lenard?"

Naalala ko na naman ang itsura ni Lenard. Shit.

"He's dead."

"May tama ka. Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako. Let's go!"

PRIVATE MISSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon