Mission 1

425 21 1
                                    

"Papasok ka sa isang paaralan at magpapanggap na pipi hanggang sa makagraduate ka at makakuha ng diploma. Sa ngayon yan ang unang misyon mo, ang makatapos ng pag-aaral. Tandaan mo, pipi ka sa paaralan, hinding hindi ka magsasalita kahit bulong pa yan."

"Ano? Bakit? Paano ako matututo?"

"Matututo ka kahit hindi ka nagsasalita basta't makinig ka lang. Malalaman mo rin sa oras na marunong ka ng umintindi ng mga bagay bagay."

"Ilabas mo na yan dito, Klinton."

"Masusunod."

Sariwa pa sa aking isipan ang napagusapan. Heto nga at naglalakad kami sa isang bakal na pasilyo, bakal ang lahat dahil makintab. Mahaba ito at ng makarating sa dulo ay may pinindot si Private Klinton sa gilid. Bumukas ng kusa ang pintuang bakal papunta sa gilid, pumasok si Private Klinton kaya pumasok din ako. Nakakamanghang dahan dahang sumarado ang pintuang bakal. Bigla itong umandar pababa ng mga konting sandali at biglang umangat din.

"Ano bang tawag dito sa pintong ito?" Naiirita kong tanong dahil sa paakyat baba nitong andar, nakakahilo.

"Elevator ang tawag rito. Gaya ng sabi ko, nasa ilalim ng isang Hotel ang lugar na tinirhan mo ng apat na taon."

"Saan mo ba ko dadalhin?"

"Sa bahay ko."

"Doon ako titira?"

"Oo habang nagaaral ka."

"Parang napakahirap ng misyon ko kahit hindi. Madali dahil hindi lang naman ako magsasalita ngunit mahirap dahil paano ako maituturing na estudyante kung hindi ako nagsasalita?"

"Mag-aaral ka ng sign language."

"Ano? Anong sayn lageyj?"

"Sign language. Isa iyong uri ng pananalita gamit ang mga senyales lamang at ang kamay."

"Para saan pa? Hindi rin ba ko pwedeng magsalita sa labas ng paaralan? Wag mo sabihing, oo?"

"Ganun na nga."

"Ano?"

"Misyon ito, Ethel. Malalaman mo rin ang dahilan ng paghahandang ito."

"Ito ba ang trabaho ni Mama?"

"Oo."

"Ligtas ba ko, Private Klinton?"

"Oo naman. Bakit hindi?"

"Naitanong ko lang."

"Tawagin mo kong Papa kapag tayong dalawa lang ang magkasama."

"Ha?"

"Wag kang mahiya dahil anak kita."

"Kung ganon, ikinagagalak kong makilala ka, Papa."

Bumukas ang pintuang bakal at tumambad sa amin ang isang modernong sala.

"Nasaan tayo?"

"Nasa bahay ko."

"Akala ko ba ay dadaan tayo sa Hotel?"

"Oo nga, parte ng hotel ang bahay ko."

"Napakahusay ng sakayan at daanan papunta rito. Sa tingin ko ay mas inosente pa ko sa isang tatlong taong gulang na bata. Hindi ko alam kung paano maglaro, hindi ko alam kung anong tawag sa mga simpleng bagay. Nakakatawang isipin para sa iba pero yun ang totoo."

"Patawarin mo ko."

"Wala kang kasalanan, Papa. Pinrotektahan mo lang ako."

"Wala akong kwentang Ama."

PRIVATE MISSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon