Nang makarating kami sa Hotel ay dumiretso kami sa basement. Pinark ko ang motor ko at sinenyasan sila Rama na mauna na sila sa Org.
Umakyat muna ako sa hotel room ko at tinawagan si Papa.
"Hello?"
"Naibalik ko na sa mga magulang nya ang bata."
"Buti naman. Dumiretso ka sa Org, pa. Nahuli namin yung dalawa sa mga kidnapper."
"Bakit hinuli?"
"Pamilyar sakin yung isa. Baka may koneksyon sila sa pagpunta natin sa playground. At sigurado akong kaya ako lang ang nakarinig dahil sinadya."
"Susunod na ko."
"Sige, ingat."
Binaba ko na ang tawag at pumuntang Org.
Pagdating ko don ay si Enzo ang nakita ko sa CCTV room. Dumiretso agad ako sa kulungan ng mga sibilyan.
"Sino kayo?" Dinig kong tanong ni Rama sa mga lalaki. Gising na sila.
"Hulaan mo." Pagpasok ko ay nakita ko pa itong ngumisi.
"Gago!"
"Wag Rama." Pigil ko ng akmang sisipain nya ang lalaking pamilyar sakin.
Lintek ba't ba ayaw gumana ng utak ko?!
"Nandyan ka na pala?"
Tinignan ko lang ang lalaking to na nakangisi. Binaling ko kay Rama ang paningin ko.
"Kinuha nyo ba lahat ng gamit sa katawan nyan?" Tanong ko.
"Oo. May nakuha kaming tatlong dagger, baril at cellphone."
"Yun lang?" Tanong ko.
"Oo."
Hindi ako kuntento kaya naman binalingan ko ulit ang lalaking nakangisi. Nakakuyom ang kamao nya habang nakatali sa isang upuang bakal.
"Hubaran nyo yan."
"Ha?" Sabay sabay na sabi nila pati yung isa na kasama nitong pamilyar sakin.
"Hubaran nyo kako!"
"Para saan?"
Sasagot na sana ko ng biglang pumasok si Papa.
"Hubaran nyo na. Ethel lumabas ka muna. Ako ng bahala."
"Sige."
Lumabas na ko at naghintay sa labas. Rinig ko dito sa labas ang pinaguusapan nila.
"Magaling kang magtago bata." Rinig kong sabi ni Papa.
Sinasabi ko na nga ba!
"Pero hindi ka makakaalis dito tandaan mo. Kahit kailan hindi nanalo ang mandaraya."
Ano bang sinasabi ni Papa? May voice detector ba syang nakuha?
"Sige na bihisan nyo na yan. Wag nyong lalagyan ng underwear at sapatos yan."
"Masusunod." Rinig kong sabi ni Rama.
Biglang bumukas ang pinto kaya napaayos ako ng tayo.
"Mauna muna ko. Iimbestigahan ko pa ang background ng pamilya ng batang yon."
Nagtaka naman ako. Para saan pa?
"Bakit? Para saan?"
"Baka kasabwat lang sila ng mga yan. Sige na at kailangan ko ng umalis."
"Sige, mag-iingat ka."
"I will. Ikaw na ang bahala dyan."
"Sige."
BINABASA MO ANG
PRIVATE MISSION
Mystery / ThrillerAll rights reserved© 2017. Mewijoyx. Photo credits to the owner. READ AT YOUR OWN RISK. WRONG AND TYPO GRAMMATICALLY ERRORS ARE EXISTING. PLEASE DO UNDERSTAND. THANKYOU!