"Saan kayo galing?"
Isang galit at naiinip na boses agad ang bumungad samin ni Rama ng makarating kami sa Org. Napangisi ako dahil sa pagkahanga, napakagaling nilang umarte. Gusto kong pumalakpak.
"Magandang gabi, Private Klinton. Inaya ko lang po si Ethel na kumain sa labas, pasensya na."
Magalang na sabi ni Rama. Isa pa to, natagalan nya ang pagiging magalang sa isang demonyo? Kalokohan man pero totoo. Kahanga-hanga.
Wala pa kong alam, at hindi ko pa alam ang buong kwento pero ng malaman kong kaya lang ako nandito ay dahil ginagamit nila ko para mapatay ang Lolo ko. Mga hangal! Mga manloloko. Pagbabayaran nyo ang pagsira sa pamilya ko.
"Ni hindi man lang kayo nagpaalam?! At ikaw Ethel!" Humarap sya sakin at nagagalit na tumingin. "Sinabi kong grounded ka pero umalis ka parin!"
"Hindi ko naman sinabing susundin kita, hindi mo ba narinig? Sinabi kong tatakas ako." Pabalang kong sagot. Ngayon ko lang ito ginawa dahil sa sobrang galit.
Bakit ko pa siya gagalangin? Para san pa? Pero ng mapatingin ako kay Rama na nanlalaki ang mga mata at sinasabing papalpak kami kapag pinagpatuloy ko ang ginagawa ko ay napaayos ako ng tayo at yumuko.
"I'm sorry, Papa. I'm just tired. Hindi na ito mauulit."
Gusto kong sumuka at idura ang lahat ng yon kay Klinton. Papa? Papatayin kita! Umirap ako sa sahig at inisip na si Klinton yon.
"Go to your room! You!" Tinuro nya si Rama. "You need to explain this to me."
"Yes, Private Klinton." Naglakad na paalis si Klinton, humarap sakin si Rama.
"Control your temper. Calm down."
Tinapik nya ko sa balikat at nagsimula ng sundan si Klinton.
Napailing nalang ako at dumiretso muna sa kulungan. I need to talk to him.
Pagpasok ko doon ay may limang private na nagbabantay sa labas ng mismong kwarto. At sa loob ay may dalawa pang private.
"Goodevening Private Ethel."
Sabay sabay nilang sabi at nagbow ng bahagya. Tinanguan ko sila at pumasok sa loob. Binati rin ako ng dalawa na nasa loob.
"Maari ba muna kayong lumabas?" Pakiusap ko.
"Masusunod."
Magalang silang lumabas ng kwarto.
Tinitigan ko si Kuya Eka na nakaupo sa metal chair, nakaposas ang dalawang kamay at dalawang paa.
Lumapit ako sakanya at lumuhod para magpantay kami. Alam kong gising sya, hindi ba to nangangalay? Magdamag yatang nakayuko.
"Bakit naparito ka?" Bigla ay sabi nya.
"I just want to ask something."
"May mga CCTV dito bakit kinakausap mo ko? Maririnig ka ng nagbabantay."
"Walang CCTV dito." At ng sabihin ko yon ay tumingala sya at iginala ang paningin, at ng tumigil sya ay pinirmi nya ang paningin sakin.
"Paano mo nasabi?"
"Malamang dahil kasapi ako dito."
"Diretsohin mo na ko, bakit ka naparito?"
Kinuha ko muna ang monoblock chair na nasa gilid at umupo sa tapat nya.
"Alam ko na ang totoo." Nginitian ko sya, at parang nakahinga sya ng maluwag.
"Mabuti naman. Kung ganon ay may plano na kayo?"
BINABASA MO ANG
PRIVATE MISSION
Mystery / ThrillerAll rights reserved© 2017. Mewijoyx. Photo credits to the owner. READ AT YOUR OWN RISK. WRONG AND TYPO GRAMMATICALLY ERRORS ARE EXISTING. PLEASE DO UNDERSTAND. THANKYOU!