Mission 13

187 8 0
                                    

Pumasok na ko sa loob at gaya nga ng sabi ni Rama, binuksan ko ang pinto sa library ko. Actually maliit lang naman yon, kasing laki lang yata ng banyo ko. Sa likod kasi ng bookshelf ay may pinto, doon dumadaan si Rama kapag may sikreto kaming dapat pagusapan. Bali ang library ko ang nagdudugtong sa hotel room namin ni Rama.

Ilang saglit pa ay lumabas na nga sya doon.

Umayos ako ng upo at tinignan syang seryosong umupo sa single couch.

"Anong napagusapan nyo?"

"Wala man lang talagang 'Goodevening'?"

"Seryosong seryoso ka e, malay ko kung good nga ang evening mo."

"Palusot."

"Tss. Lumusot naman. Ano na nga?"

"Sa tingin ko ay nagdududa na si Klinton." Panimula nya. Maski ako ay ganoon rin ang naiisip.

"Hindi naman sila tanga para hindi mawala sa isip nila na posibleng ganito ang mangyari."

"Anong plano? Nasabi mo na ba ito k-kay Markus?" Nagdalawang isip pa ko kung dapat ko ba syang tawaging 'Dad' sa harap ni Rama, napagdesisyunan kong huwag na lang. I'm not really use to it anyway.

"Hindi pa. Siguro ay bukas na lang." Parang hindi nya napansin ang pagkalito ko kanina, buti naman.

"So ano nga ang pinagusapan nyo?" Ulit ko sa tanong dahil hindi naman nya sinagot.

"Binalaan nya ko na sa oras daw na traydorin ko o natin ang Private Z ay magkakaroon daw ng gyera."

"Gyera?"

"Oo. Yun ang sabi nya, napaisip nga ko kung anong ibig sabihin ni Klinton don. Yun din ang balak kong itanong kay Kuya Ziko." Nang marinig ko ang pangalan ni Ziko ay naalala ko na naman ang number nyang hindi sinend sakin.

"Anong itatanong mo sakanya?" Parang gusto kong malaman para ako ang magtanong. Ethel magtigil ka nga!

"Kung posible kayang nagkaroon na ng gyera dati?"

Nabalik naman ako sa ulirat at napaisip. Oo nga kaya? Posible yon.

"Sige na, matulog kana. Bukas ay huwag muna tayong magkita. Baka lalong magduda si Klinton pag tinuloy natin ang pagtakas kay Eka. Planuhin natin to sa susunod na linggo."

"Sige."

Tumayo sya at bago pumasok sa library ay lumingon muna sya sakin.

"Mag-ingat ka sa mga ikikilos mo, Ethel. Goodnight my princess."

Hindi ko narinig ang huling sinabi nya. Basta ang narinig ko lang ay may 's' yun.

Sinarado na nya ng tuluyan ang pinto kaya naman hindi ako nakapag 'Goodnight din'. Abnormal na Rama.

Ziko's POV

"Mag-ingat ka sa mga ikikilos mo, Ethel. Goodnight my princess."

Rinig na rinig ko ang huling sinabi ni Rama hanggang sa marinig ko ang paglock ng pinto.

"Tss. My princess my princess pang nalalaman."

Paano ko narinig? Dahil lang naman sa mini magnet speaker na nakakabit sakanya. Tiyak di lang ako nakarinig non, pati sila Naomi, Lenard at Joy ay narinig din yon. Nakalimutan nya yatang patayin matapos nilang mag-usap ni Klinton.

Bakit ba nabibitter ka Ziko?

Ako? Hindi ako bitter no!

Ano lang? Nagseselos?

PRIVATE MISSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon