Binasag ko ang bote ng wine na iniinom ko at hinampas sa ulo ng lalaking ito.
"Arrghhh!" Sigaw nya dahil sa sakit.
"Hey! What's happening here?!"
Aba gago pala to e, hinipuan ba naman ako. Yan napala mo!
Gusto ko sanang sabihin yun pero nasa public place ako. Nagsignlanguage ako, at nagsasabing binastos ako ng lalaking yun.
"What?!" Naguguluhang tanong ng bouncer.
Inulit ko ulit ang gusto kong iparating. Gustong gusto kong masalita pero nasa bar ako! Fck.
"Sev! Give her a paper and pen! Wtf!" Naiinis na sabi ng bouncer.
Marami ng nakatingin samin pero inirapan ko lang ang mga yun. Inabot sakin nung Sev yung papel at ballpen.
Sinulat ko don na hinipuan ako ng lalaking yun.
"E kaya naman pala! Ilabas nyo yan dito!"
Nilabas nung ibang bouncer yung lalaki, lumapit sakin yung Sev at kinuha yung ballpen at papel.
Lumapit sakin yung bouncer na nagagalit kanina.
"I'm sorry, Miss."
Nagokay sign lang ako at tumango. Tumayo na ko at naglakad na paalis sa bar na yon.
"Wait, Miss! What's your name?!" Sigaw nya. Hindi ko na sya pinansin at kumaway na lang patalikod.
"Shit! Pipe ka nga pala!" Narinig kong sabi nya.
Sumakay ako sa Motor ko at dumiretso na sa Hotel Z.
Malumanay ang pagpapatakbo ko. Apat na taon muli ang nakalipas, Sixteen na ako ngayon. Graduate na ng highschool. Nagawa ko ang misyon kong makapagaral ng hindi nagsasalita. Marami akong natutunan, natuto narin akong umintindi at magsalita ng english. Nakakatuwang isipin na sa wakas ay may muwang na ako ngunit nakakalungkot dahil hindi ito nasubaybayan ni Mama.
Nang makarating sa basement ay pinark ko ang motor ko at sumakay ng elavator. Pupunta muna ako ng org.
Nang makarating ay sinalubong ako ni Rama. Nagiisang kaibigan ko rito. Sya yung nagmomonitor sa mga CCTV.
"Oh san ka galing?" Tanong nya.
"Nagpahangin."
"Nagbar ka na naman? Hoy Ethel! Magayos ka muna bago ka humarap kay Private Ric."
"Hindi naman sya pinunta ko rito. E ikaw san ka pupunta?"
"Hahanapin sana kita. Oh e anong pinunta mo rito?"
"Magpapractice. Halika turuan moko kung pano umasinta gamit ang kutsilyo."
"Hanggang baril ka palang ah?"
"Tss. Kung ayaw mo wag na, ako nalang."
"Hintayin mo ko. Idedelete ko lang to, baka icheck ni Private Ric yung mga video."
"Gege."
Dumiretso ako sa Training room, kung saan ako tumira ng apat na taon noon.
Walang tao at tahimik, pumasok ako duon at kumuha ng tatlong maliliit na kutsilyo. Hinawakan ko sa kaliwang kamay ko ang dalawa at ginamit ko ang kanang kamay pangasinta. Hinagis ko yon sa shooter, sa gilid lang tumama.
"Asintahin mo kasi ng mabuti, saka hindi mo dapat hinahawakan ang reserba mong kutsilyo. Magsuot ka ng belt, doon mo isuksok."
"Ang tagal mo kasi." Reklamo ko at sinunod ang sinabi nya.
BINABASA MO ANG
PRIVATE MISSION
Mystery / ThrillerAll rights reserved© 2017. Mewijoyx. Photo credits to the owner. READ AT YOUR OWN RISK. WRONG AND TYPO GRAMMATICALLY ERRORS ARE EXISTING. PLEASE DO UNDERSTAND. THANKYOU!