Binuhat ko si Rama papunta sa isang gilid. Tinakpan ko sya ng kumot at bago ko sya iniwan ay pinunasan ko ang luha ko.
"Maraming salamat sa lahat, Rama. Napakabuti mong kaibigan. Sana masaya ka na kung nasaan ka man. Bibigyan ko ng katarungan ang pagkamatay nyo."
Tuluyan ko ng tinakpan ang mukha nya at tumayo ng tuwid. Kinasa ko lahat ng baril ko at nagsimula ng maglakad papasok sa pangatlong pinto.
Die-diretso ako hanggang sa marating ko ang isang kwarto. Sinipa ko yun at pinaulanan ng bala. Napanganga ako ng makita ko si Naomi doon. Nakabigti sya at puro saksak sa katawan. Tumutulo ang dugo nya at halos maging kulay pula na ang black and white na tiles dahil sa dugo nya. Hindi ba't sa ospital daw sya namatay? Patay na yung tao lalo pa nilang pinatay! Mga hayop!
Pero bago ko sya malapitan ay nakarinig ako ng pagdaing. Napatingin ako doon.
"K-kkuya?"
Naibaba ko ang baril kong hawak at napaluhod na nilapitan sya. Puro sya tama ng baril pero nakakahinga pa sya.
"E-ethel." Ngumiti sya at puro dugo ang ngipin nya.
May pumatak na luha sa mga mata nya. Napaiyak nalang ako at hinawakan sya sa kamay. Akala ko ay ubos na ang luha ko. Hindi pa pala.
"K-kayanin...m-mo..." humigpit ang hawak nya sa kamay ko at ngumiti bago tuluyang mapasandal sa pader.
Hinalikan ko ang kamay nya at napayuko habang umiiyak. I cannot believe it! They leave me like this! Bakit lahat ng tao sa buhay ko ay hindi ko pa man nakakasama ng matagal ay iniiwan na ko?! This is crazy. Ang sakit! Ang sakit sakit.. mas masakit pa sa tama ng baril. Emotional pain is making me crazy.
Kahit hirap ay pinilit kong punasan ang luha kong hindi matigil. Lumapit ako kay Naomi at tinanggal sya sa pagkakabigti. Nilapit ko sya kay Kuya Eka at tinakpan sila ng kumot na nakapatong sa lamesa na nandoon.
"Maraming salamat. Naging parte kayo ng buhay ko. Napakasayang magkaroon ng kapatid. Mahal na mahal ko kayo."
Tumayo na ko at naglakad na palabas sa pangatlong pinto. Lumuluha kong pinasok ang pang-apat na pinto.
Olga POV
"Saan ka pupunta?!" Mabilis kong hinila si Madelle pabalik sa kwartong ito.
"Ano ba?!"
Hinarap nya ko at sinamaan ng tingin.
"Ano? Naduduwag ka? Dapat lang!" Ngumisi ako.
"Duwag? Ako ba ang sinasabihan mo nyan? O ang sarili mo? Hahahaha!" Tumawa sya na parang mangkukulam. Nakakairita sya kaya sinampal ko sya ng kaliwa't kanan. Pero sinampal nya din ako.
"O bakit? Hindi ba't totoo naman?!" Ngumisi pa sya at inikutan ako.
Nang makabalik sya sa harapan ko ay nagbago ang itsura nya, mukha na talaga syang witch dahil sa sama ng tingin nya sakin. Nanlilisik ito na para bang konting sandali pa ay tuluyan na syang magiging demonyo.
"Hindi ba't nandoon ka ng torturin namin si Liezel? Nanunuod ka! Nakita kita! Nagkaroon kayo ng alitan nuon kaya hinayaan mo syang mapatay namin! Kriminal kadin! Pinatay mo ang sarili mong kapatid!"
Tinadyakan ko sya at sinakal.
"Hindi totoo yan!" Sinampal ko sya ng kaliwa't kanan at pinagsasapak. Tumatalsik na ang dugo nya pero hindi ko sya tinigilan.
"Bitch!" Dinuraan nya ko kaya nabitawan ko sya.
"Wag mo kong dinudumihan!" Bago ko sya mabaril ay binaril nya ko sa tyan.
Binaril ko din sya at kahit nahihirapan, nilapitan ko sya at tinadyakan.
"Fck you." Napahawak ako sa tyan kong may tama at puro dugo iyon.
"Ah!" Napaluhod ako ng bigla nyang barilin ang tuhod ko.
"Ah!" Binaril nya rin ang isa. Tuluyan na kong napaluhod pero bago yun ay mabilis kong kinuha ang baril sa bewang ko.
Sinalubong ko ang balang tumatama sakin, kasabay nun ang tama ng baril na tumatama sakanya. Nabitawan ko ang baril at napadapa.
Napasuka ako ng dugo.
Pumikit ako, pero bago ko tuluyang maramdaman na mamamatay na ko ay narinig ko ang pagbukas ng pinto, nakita ko ang sapatos ng isang babae.
"Tita Olga?!"
Tuluyan na kong pumikit.
'Magkikita na tayo, Ate. Patawarin mo ko kung hindi ko masusubaybayan ang paglaki ng anak mo.'
Ethel POV
Nang makarating ako doon ay dalawang bangkay ang bumungad sakin.
"Tita Olga?!"
Nilapitan ko sya at pinulsuhan. She's dead. Tinakpan ko ng buhok nya ang mukha nya. Napabaling ako sa isa. Si Madelle yun, nakahawak sya sa dibdib nya at may hawak pa syang baril.
Hindi ko na magawang umiyak. Namanhid na yata ako. Napailing na lang ako at tumayo na. Kung ganon, nasa huling pinto sila. Sana ay ligtas sila.
Habang naglalakad ay bumalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari. Ang pag-amin ni Klinton sakin na sya ang ama ko. Siguro ay dahil sa sobrang bata ko pa noon ay naniwala ako sa kwento nya.
Kaya pala ng tinanong ko sya kung ano ang naramdaman nya noong namatay si Mama ay hindi sya sumagot. Hindi sya sumagot dahil siya mismo ang pumatay, wala syang naramdaman dahil wala syang puso. Isa syang dimonyo at ang hangarin lang ay mapatay ang sagabal sa kanyang plano. Titiyakin kong ako ang mag-aalis sakanya sa mundo.
Naalala ko naman ang pagiwas ni Rama sa mga tanong ko. Kaya pala hindi nya sinasagot ang mga tanong ko dahil yun ang misyon nya, ang bantayan ako. Napakabuti nyang kaibigan.
Naalala ko si Naomi at Kuya Eka. Si Kuya Ekang tahimik at sweet. Si Naomi na tahimik din at matapang. Napangiti ako ng marealized kong ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng kapatid na katulad nila.
Si Lauranna, Melisa at Apple ay naalala ko rin. Ang pagiging matapang ni Apple, pagiging mataray ni Lauranna at pagiging totoo ni Melisa. Mababait sila, pinaparamdam nila na mahalaga ka sakanila kahit kailan lang kayo nagkakilala. Nasaan kaya si Apple? Sana ay nakauwi sya ng probinsya nila ng ligtas. Sana ay maging masaya sya.
Naalala ko naman ang imahe ni Lenard kanina, pinipilit nyang dadalhin nya ko rito. Ang buti nang puso nya. Hindi nya inisip ang kalagayan nya, inisip nya ko. Si Jeraldine man ay naalala ko. She's sweet, simple and elegant. Mabait syang anak at maalalahanin. Ang swerte ko rin sakanya dahil naging pinsan ko sya.
Then suddenly I realized na buhay pa si Joy! Nasaan kaya sya? Kasama kaya sya ni Apple o nasa pang limang pintuan sya? Sana ay ligtas sya.
At doon ay naalala ko si Dad, ang hirap ng pinagdaanan nya pero matatag parin sya. Si Lolo na sobrang masiyahin at maalaga. Kahit wala si Mama ay nakumpleto nila ang kulang na pagmamahal na kailangan ko. Si Tita Olga na kahit hindi sabihin na nagaalala sakin ay pinaparamdam naman at pinapakita.
Napatingin ako sa t-shirt na suot ko. Napapikit ako at dinama ang yakap ni Ziko. Maswerte siguro ang t-shirt na to dahil ligtas parin ako. Naalala ko ang pagyakap sakin ni Ziko ng minsang umiyak ako dahil sa takot. I don't know why kung bakit umiyak ako ng mga oras nayun at sobra sobrang takot ang naramdaman ko. Pero nawala yun ng yakapin ako ni Ziko at sabihing hindi ako masasaktan hanggat nasa tabi nya ko. Siguro ang t-shirt na to ang sumisimbolo sakanya habang nakikipaglaban ako. Napangiti ako ng maalala ko ang lahat ng kalokohan nya. Napakagat labi din ako ng maalala ko ang first kiss namin.
"I like him." Nasabi ko nalang.
Napakaswerte ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan at kapamilya na katulad nila. Kahit hindi ko naranasan ang makipaglaro sa mga bata at makipagkwentuhan, naranasan ko naman ang magkaroon ng kaibigan at pamilya na palaging nandyan. Tutulungan ka at gagabayan. Hinding hindi ko sila makakalimutan kahit kailan. Hanggang sa pangalawang buhay ko, hindi sila malilimutan ng puso ko.
Napatingin ako sa wrist watch ko. Maguumaga na. Sana sa pagsikat ng araw ay tapos na ang panaginip na to.
BINABASA MO ANG
PRIVATE MISSION
Misterio / SuspensoAll rights reserved© 2017. Mewijoyx. Photo credits to the owner. READ AT YOUR OWN RISK. WRONG AND TYPO GRAMMATICALLY ERRORS ARE EXISTING. PLEASE DO UNDERSTAND. THANKYOU!