Mission 25

155 6 0
                                    

Chapter Themesong- Wag ka ng umiyak by KZ Tandingan version

Dahan dahan ang lakad ko dahil hindi ako handa sa masasaksihan ko. Habang naglalakad ay kinasa at hinanda ko ang mga baril na dala ko.
Tumambad sakin ang isang pinto. Binuksan ko yun at pinaulanan ng bala ang lahat ng makita kong kalaban.

Akala ko ay ito na ang huling pinto, meron pa palang isa pa. Sa loob ng kwartong ito ay may isa pang pinto. Pumasok ako doon at sobrang laki. Kasing laki na yun ng buong groundfloor ng Olivia Hotel.

Mabilis akong pinaputukan ng mga nandoon pero hindi ako natakot, sinalubong ko sila at pinaputukan. May dumadaplis sa braso ko pero hindi ko yun dinadamdam. Nakabulletproof jacket ako kaya naman kahit barilin nila ko sa dibdib ay hindi tumatagos.

Naubos ang lahat ng nandoon. Nagtataka ako kung bakit wala sila dito.

"Nasaan sila?"

Inilibot ko ang paningin ko at nahinto iyon sa isang hagdan. Lumapit ako doon at umakyat. Pag bukas ko ay bumungad sakin ang dalawang bangkay.

Puro tama ng baril sa katawan ni Mary Joy ang bumungad sakin. At katawan ni Apple na wakwak ang tiyan. Akala ko ba ay umuwi sya sa probinsya?

'Salamat sa inyong dalawa.' Sa isip ko iyon sinabi.

Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay. Madilim, pagpasok ko sa loob. Sobrang dilim at wala akong makita.

Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid ko. Naririnig ko ang mahihinang paghinga at ramdam ko ang maraming pares ng mata na nakatutok sakin.

Minulat ko ang mata ko at kahit madilim ay parang kusang luminaw ang mata ko, mabilis kong binaril ang kalaban na nasa likod ko. Mabilis na nagputukan ang baril patungo sakin kaya naman mabilis akong nagtambling papunta sa isang poste.

Napatakip ako sa mata ko ng biglang lumiwanag. Nang masanay muli sa liwanag ay mabilis akong lumabas sa poste at pinagbabaril ang mga kalaban. Bago ko pa maputok ang baril ko ay mabilis akong napatigil.

"Sige iputok mo. Pasasabugin ko ang ulo ng hayop na to."

Biglang lumabas si Ric kasama ang isang lalaki na hawak hawak si Lolo.

"Walang hiya ka!"

Galit na galit kong sigaw. Tumawa lang sya.

"Matagal na tanga!" Biglang nanlisik ang mata nya.

Napatingin ako kay Lolo na nasasakal dahil sa kadenang nakakabit sa leeg nya, nakadugtong yun sa kamay at paa nya. Nginitian nya lang ako na para bang okay lang sya.

"Lolo..." umiling ako sakanya.

"Hangal! Wag kang madrama! Ngayon, pakakawalan ko ang hayop na to kung sasama ka samin."

"Para saan? Gago! Papatayin nyo rin sila kapag sumama ko sainyo!"

"Ganyan na ba kababa ang tingin mo samin?"

"Mas mababa pa dyan!"

"Bobo!" Umusbong ulit ang galit nya at hinila si Lolo.

"Wag!"

Nagulat ako ng bigla nyang ikasa ang shotgun nyang hawak. Bago nya pa maiputok yun ay pinaputukan ko na sya sa kamay at binaril ang lalaking may hawak kay Lolo.

"Aba mabilis ka na ngayon."

Parang hindi sya tinablan ng kahit na anong sakit dahil mabilis nyang kinuha ang dagger nya at bago ko pa sya mapigilan ay sinaksak nya yun sa leeg ni Lolo.

"Walang hiya ka!" Tinadtad ko sya ng bala kaya tumalsik sya at napahiga.

Tumakbo ako palapit kay Lolo at niyakap sya.

PRIVATE MISSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon