Mission 18

130 7 0
                                    

Rama POV

Matapos sabihin sakin ni Sean na pinaguusapan ako ni Klinton at Madelle ay nagplano ako ng pagtakas. Pero nabigo ako.

Nang gabi din nung araw na yun ay balak ko ng umalis pero kung mamalasin ka nga naman ay nakasalubong ko si Klinton kasama ang limang private sa elevator.

"Where are you going? Planning to escape?" Ngumisi sya at sinenyasan ang dalawang private na lumapit sakin.

Hindi ako lumaban, lima sila nagiisa lang ako. Uubusin ko lang ang lakas ko.

"Isa kang traydor, Rama. Maling mali ka." Bulong nya at nilagpasan ako.

"Dimonyo!" Sinigaw ko yon.

"Buti alam mo. Magdusa ka sa impyerno!"

"Ikulong yan! Bantayan nyong maigi!"

Kinaladkad ako ng dalawang ito papuntang kulungan. Inupo nila ko sa pwesto ni Eka noon. Pinosas ang dalawang kamay at paa ko. Pati leeg at tiyan ay may lock din.

"Anong nangyari, Rama? Bakit tinraydor mo kami?"

Napatingin ako kay Enzo na naguguluhan.

"Hindi ko kayo trinraydor. Kahit kailan ay hindi ako naging kasapi nyo." May diin kong sagot.

"Hangal! Dahil kay Ethel ay ginawa mo ang bagay na yon?!"

"Oo!"

"Bobo! Isa kang malaking bobo! Hindi ka mahal nung tao!"

"Ano naman?! Wala kang alam at wala kang paki!"

Nilapitan nya ko at idiniin ang lock sa leeg ko.

"Tinuring kitang kaibigan!"

"P-pwes ako hindi!" Nahihirapan kong sabi.

"Tandaan mo to, Rama."

Binitawan nya ang lock at nilapit ang bibig sa tenga ko.

"Sa oras na dumating ang araw ng gyera, ako ang makakalaban mo."

"Tandaan mo rin to, Enzo."

"Sa oras na makawala ako dito, ikaw ang unang pupuntahan ko."

Lumayas na sya sa kulungan matapos akong samaan ng tingin.

Kailangan nilang mag-ingat. Sana ay makagawa sila ng paraan.

Sean POV

Kaninang tanghali ay sinabi ni Private Ric samin na maghanda dahil nandyan ang kalaban. Kaya naman pumunta ako sa hotel at hinanap kung nasaan ang kalaban.

Pero wala akong nakita kaya nilapitan ko ang isang private na nakatitig sa isang long table. Tinitigan ko rin yun, may isang buong pamilya na nagtatawanan habang kumakain. Luh? Inggit siguro to.

"Nasaan ang kalaban?" Tanong ko.

"Ayan."

"Huh? Nasan?" Nilibot ko ang paningin ko pero wala talaga kong nakita.

"Tss. Ayan oh! Yung mga yun!" Tinuro nya ang long table na tinititigan nya.

"Kalaban ba yan? E wala namang dalang mga baril."

"Wag nga ako kausapin mo, Sean!"

"Dewag!"

Iniwan ko na sya don at babalik na sana ako ng org ng makita ko si Private Madelle na may kausap sa cellphone.

"Yes, papunta na ko don. Mag-iingat ako, Klinton. Thanks."

Hindi sya dumaan sa main door. Dumaan sya sa pinto na malapit sa parking lot.

PRIVATE MISSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon